Chapter 16: Little Brilliantes
SUMAKAY kami ng elevator at hindi pa rin niya ako binitawan. Hindi naman tumulong sa akin ang anak ko dahil mukhang natuwa ito habang nasa bisig siya ng Tatay niya. Nag-iingay ang bibig nito habang aliw na aliw na nakatingin kay Markin. Hindi ko alam kung bakit ganito na siya agad sa isang ito.
Napansin iyon ni Markin na ikinabigla pa ng gago dahil lumapad ang ngiti ng baby ko at nakita tuloy ang apat niyang ngipin sa parehong nasa taas at baba. Hala...ang cute naman...
"You're so beautiful..." namamanghang sabi niya at ang sweet na bata, ngumuso, senyales na hahalikan niya ang Daddy niya at tama nga ako. Dumikit na naman ang laway niya sa pisngi ng gulat na reaskyon ng Daddy niya. Nakaawang pa ang mga labi nito. Hindi inaasahan ang gagawin nito sa kanya.
"I like you, lotus..." Bigla ay umusok ang butas ng ilong ko sa sinabi niyang lotus...
Tinatawag ba niyang lotus ang anak ko?! Mukha bang lotus si Markiana?!
"Hindi siya babae para sabihan mo na ng beautiful... Lalaki siya, duh... Common sense, damit pa lang niya..." mariin na sabi ko pero hindi ako pinansin ng gago. Tutok na tutok lang siya kay Markiana na tila kinakausap na siya nito para nga siyang nahihipnotismo ng anak niya.
Bumukas ang elevator at doon lang siya tila nagising sa mahimbing niyang pagkakatulog. Nagpumiglas ulit ako dahil sa paghawak niya sa akin.
"Let me go!" angil ko.
"Kuya, anak mo raw ito," agaran na saad niya na ikinalaki ng aking mga mata. Naniwala ba siya?!
Dati ay anak daw namin ni Leandro tapos ngayon ay sa Kuya na naman niya? Kailan naman niyang sabihin na anak din niya si Markiana? Tsk.
"Hindi nga kasi ganoon! Pamangkin ko 'yan! Akin na nga at baka umiyak pa 'yan!" sabi ko at pilit na inaabot ng mga kamay ko si Markiana na may sariling mundo.
Tumayo mula sa pagkakaupo niya si Engineer Markus. Mukhang naabala namin siya sa work niya. Salamat naman at nadatnan na namin siya loob ng kanyang opisina.
"Sir Markus!" masayang sambit tawag ko sa kanya. Nagbago ang aking emosyon. Dahil para akong nakakita ng anghel. Dahil siya naman talaga ang hulog ng langit sa amin ni Markiana... Char ulit...
Nagulat pa ang baby ko at inabot ko ang pisngi niya para haplusin iyon. At hindi na umiyak, effective naman at mukha na siyang masayang bata. May pa-clap pang nalalaman.
"What just happened?" Markin asked, "Hindi lang siya weird, Kuya. Baka witch din 'yan," bulong pa niya sa Kuya niya at narinig ko naman siya.
"I heard you," usal ko at malamig na tiningnan ko siya na ginaya niya rin ang ginawa ko. Kung hindi lang kami sinuway ng Kuya niya ay hindi rin ako hihinto sa pakikipagpalitan ng masasamang tingin sa kanya.
Magpapatalo ba ako sa kanya?
May problema talaga sa akin ang lalaking ito, eh. Ang init ng ulo niya sa akin. Samantalang siya ang may atraso sa akin.
"That's enough. What are you doing here, Miss weird?" Engineer Markus asked me. Kahit nagsusumigaw sa pagkatao niya ang tila makapangyarihan at parang kay taas niyang tao sa lipunan ay hindi nawala ang gentleness niya. Gentleman naman pala siya when it comes to girl lang siguro... Hindi katulad ng others diyan...
Pinagtabuyan pa kami...
Napangiti ako at nasa kamay ko na ulit ang anak ko.
"Hindi mo ba ako iimbitahan na maupo na muna? At alukin ng kape?" diretsong sabi ko at nakita ko pa ang pag-ismid ng lalaking ito... Oo, makapal ang aking mukha... Artist ako, eh...
"Siya na itong nakaisturbo ay siya pa ang demanding." Hindi ko masyadong naintindihan pa ang sinabi ni Markin dahil halos ibulong na niya iyon.
"Saka biscuit na rin para sa pamangkin ko," sabi ko pa kahit hindi pa naman puwedeng kumain si Markiana pero matutunaw rin ang biscuit ng laway niya.
"Hindi ba at may trabaho ka pa?" Narinig ko pang tanong niya sa kapatid niyang walang manners.
"Nandito po ako kahapon. Ang kaso ang isang 'yan ay pinadampot ako sa mga security guard palabas ng building niyo," sumbong ko at dinuro ko ang gago.
"Hindi nga kasi puwede, Miss. May dress code ang kompanya n--"
"What's wrong with my outfit, sir? Disente po ang ayos ko kaysa sa babaeng kasama mo na isang tuwad lang ay makikitaan na?" laban ko.
"What the fvck?!" malutong na mura niya. Nag-react siya agad...
"At bakit ganyan makatitig sa akin ang pamangkin mo? Inaano ko ba 'yan?!" he asked me at na kay Markiana na ang kanyang tingin.
"Markiana, don't look at him like that. Cry baby pa naman ang ka-eye to eye mo," paglalambing ko sa anak ko. Madalas nga kasi na ganito si Markiana pero nagbabago naman ang emosyon niya kapag kakausapin mo lang siya. Babalik siya sa pagiging jolly niyang bata.
Nagmana nga sa akin, weird din... Hindi na ako magugulat na matalino ang anak ko paglaki niya. Sana nga... Para may ipagmamalaki siya sa mga...
"The fvck?! Markiana?! Lalaki ang pamangkin mo at hindi babae. At bakit Markiana ang pangalan niyan?" nagugulat na tanong pa niya. Nadulas ako! Hindi ko talaga ipapaalam sa kanila ang pangalan ng anak ko, eh!
"Sounds Markin..." I heard his brother uttered a words with his name.
"Shut up, Kuya," masungit na sabi niya.
Talagang ipinangalan ko sa kanya para kahit papaano ay makuha naman ni Markiana ang pangalan niya kahit huwag na ang surname nila... Ayos na ang Suwaib...
"Iyon ba? Weird kasi ang Nanay nito, eh. Siya si Markiana. Pamangkin ko," pakilala ko na lang.
"Kamukha mo," agad na bulalas ni Engineer Markus.
"Pamangkin ko nga kasi! Manang-manang sa Tita, eh," ani ko.
Talagang kamukha ko dahil anak ko... Sa akin siya nagmana...
Pumasok ang secretary niya sa loob na may dalang tray. Tatlong cup of coffee at may biscuit pa. Kinuha ko ang isa at ibinigay kay Markiana. Pinaglaruan lang ng kamay niya na hinayaan ko naman dahil hindi pa siya makakakain nito.
"Saan ko po ba ipapa-deliver ang mga painting, Sir? Saka kailangan ko na rin po kasing makuha ang payments," pagsisimula ko. Hindi na ako nahiya sa sabihin pa iyon.
"Ibigay mo na lang ang bank account mo at ang secretary ko na ang bahala roon. Ibibigay ko sa 'yo ang address namin ng asawa ko," sabi niya na mukhang natuwa pa.
"Alam mo po ba ang nagagawa ng kasinungalingan? Kinakarma po 'yan. Wala ka naman pong singsing, eh," ani ko at tumingin ako sa kamay niya. Particular na sa mga daliri niya na wala namang singsing ito.
But I know... He's in love with that girl...
"PAANO mo naman nasabi na nagsisinungaling lang ako?" tanong niya sa akin. Nginuso ko ang daliri niya na mabilis niyang tinago mula sa akin.
Malakas na bumungisngis naman si Markiana dahilan na napatingin kaming tatlo sa kanya. Kinawag-kawag pa niya ang maliit niyang kamay at parang inaabot nito ang Tito Markus niya.
Tumayo naman si Engineer Markus at parang alam na niya kung bakit nag-iingay ang batang kasama namin. Maingat na kinuha niya ito mula sa akin at pinatayo niya ito sa lap niya. Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon para makainom ng coffee dahil masarap ang pagkakatimpla nito, eh.
"Markiana is your name, kid? You're a boy... Indeed your Mom is weird..." naaaliw na sabi nito at halos pangiliran ako ng luha dahil nakasama ni Markiana ang Daddy at Tito Markus niya sa maikling panahon lang.
"He's Lotus, Kuya..."
"Lotus? Maganda naman ang pangalan niya, Markin. Bakit Lotus?" kunot-noong tanong ni Engineer Markus.
"It's Lotus..." sabi lang nito at ako naman ang tiningnan niya. Inikutan ko siya ng mga mata.
"Markiana nga kasi ang kanyang pangalan... O kung gusto mo ay tawagin mo na lang siyang Mark. Stop calling my pamangkin na Lotus. Mukha ba siyang Lotus, ha Engineer?" supladang tanong ko sa kanya at nakalimutan ko na tinatawag din pala siyang Mark ng mga kaibigan niya. May suggestion pa, eh pangalan pa rin niya ang Mark.
"That's my name too," ani Engineer Markus.
"Oh, really?" I said and I chuckled. Ang dami naman palang Mark sa buhay ng anak ko...
"Sigurado ka ba na hindi mo ito anak?" nagdududang tanong sa akin ng Kuya ni Markin at ang isa pang hinayupak ay mariin ang titig sa akin.
"Bakit ba? Pinaglihian ako ng Nanay niyan, eh," I reasoned out.
Ngumisi lang siya sa akin at muli niyang tinitigan nang matagal si Markiana.
Sa sinabi nga niya ay hayan na naman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko, "Because... I can even see my brother's face with this kid... Markin, you looks exactly like him...kahit hating-hati ng batang ito ang mukha mo at nitong artist na ito. Baka kilala mo siya at may nangyari sa inyo na ito ang resulta..." Naibaba ko nang wala sa oras ang isang baso ng kape ko.
"Let's talk about my purpose," pag-uumpisa ko. Bayolente akong napalunok nang may pagtataka na tiningnan ako ni Markin. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya.
Bad move!
UMALIS din kami para makapunta sa condo ni Ms. Theza. Dumaan pa kami sa studio ko para makuha ang mga painting at may tauhan na rin sila para magbuhat ng mga ito sa malaking truck niya at habang abalang-abala kami ay hindi man lang umalis si Markin. Nagpresinta pa siya na buhatin na muna si Markiana kahit hindi na kailangan. Hindi ko rin alam kung bakit sumunod pa siya. Hindi naman talaga siya kailangan, eh.
Pero sa tuwing nakikita ko ang masayang mukha ng anak ko ay umuurong ako sa nais kong gawin na ilayo na lamang siya sa Daddy niya. Parang nararamdaman at nakikilala niya ang Daddy niya.
Kahit...kahit gusto kong sabihin kay Markin ang tungkol sa bata ay natatakot pa rin ako...
Natatakot ako para sa anak ko... Kaya mas pinili ko ang ilihim na lamang siya.
"DELIVERY po, Mrs. Brilliantes," agad na bungad ko nang pinagbuksan kami ng pintuan ni Ms. Theza. Dahil sa natanggap ko na panibagong milyon na nasa back account ko na ay umuo ako sa nais ni Engineer Markus na tawagin kong Mrs. Brilliantes ang girlfriend niya.
Kakaiba talaga ang mga Brilliantes, milyon ang binabayad...
"What are--I'm not even married with--" sabi niya na hindi pa natapos nang sumulpot na ang kasama ko.
"Hi, baby," malambing na bati pa ng isa. Ako ang kinikilig para sa kanilang dalawa. Masungit nga talaga ang girlfriend niya dahil walang emosyon na tiningnan lang siya nito.
"I'm with my pamangkin. Puwede bang pumasok?" ani ko kahit hindi pa siya makakasagot at pumasok na kami ni Markiana. Feel at home lang ang Lola niyo.
Oo nga pala, hindi na rin sumunod pa si Markin sa amin. May pupuntahan daw siya, eh. May tumawag kasi sa kanya kanina at nagmamadali na siyang umalis kahit buhat-buhat pa niya ang anak niya. Tss...
Hinding-hindi niya malalaman iyon...
Ibinaba ko si Markiana sa sofa bed at inalalayan ko pa siya makadapa. Ibinigay ko sa kanya ang maliit na laruan niya, laruang mansanas na madalas niyang kagat-kagatin. Hindi naman ako nababahala na baka masaktan ang ngipin niya dahil malambot naman ito.
"How about the painting. Dito na ba dadalhin, baby?" Narinig ko pang tanong ni Engineer Markus. Ibang-iba talaga siya kapag ang babaeng ito ang kasama niya. Hindi ko maiwasan ang mapangiti.
May Brilliantes na siya... Meron naman ako... Mas bata nga lang at cute pa...
"So, Mrs. Brilliantes--" pag-uumpisa ko nang umupo siya sa single sofa na nasa tapat ko lang pero pinutol pa niya ang sasabihin ko sana... Naasar yata siya sa akin, eh.
"Do I look I'm a married woman, now Miss Rea?" malamig na tanong niya sa akin. Natawa naman ako.
"Say it to the man who told me that you're his wife, Ma'am," sabi ko at sinulyapan ko pa ang lalaking tinutukoy ko na ngayon ay nasa tabi na niya.
"Ipadala niyo sa mansion ng Papa ko ang mga paintings at ako ang magbabayad," sabi niya. Nasa boses ang pagkaseryoso.
"Bayad na po, Miss," anas ko. Naunahan ka na po, eh...
"Go away," angil niya sa lalaking katabi niya. Ang cute nilang tingnan, eh. Bagay na bagay sila... Parehong maganda at guwapo...at mukhang mayaman si Ms. Theza.
She glanced at me, "But Miss Rea, I'm not married to anyone," she said and I just nodded my head.
"Basted," I murmured.
"Soon, baby... You're gonna be my wife."
"In your dreams."
"Yes, Miss. In my dreams. You're my dreams."
I shook my head dahil may sariling mundo rin ang dalawang ito. Nakalilimutan nila na may kasama silang bisita. Char...
"Then it settled, Miss Theza," ani ko at tumayo na rin ako. Binuhat ko na ulit si Markiana para mabigyan ko na sila ng oras sa momento nila.
"What's your daughter's name, Miss Rea?" tanong niya sa akin at ako naman ang napasinghap sa gulat na tanong niya sa akin.
"Baby, he's a boy," mahinang bulong naman ng katabi niya kahit narinig ko pa.
"She's a girl," sabi pa ni Ms. Theza at mataman niyang tiningnan ang anak ko. Na tila hinahanapan niya ng ebidensya na totoo ang kanyang hinala. Hindi naman sky nagkakamali.
"Who's her father? A Brilliantes? You hide this pretty and innocent girl in a boy's outfit?" she asked me, seriously.
Observant, sa isang tingin pa lang ay alam na niya kung ano ang gender ni Markiana. Pero paano naman niya nasasabi na Brilliantes nga si Markiana?
"What do you mean about that, baby?" Engineer Markus asked her.
"You have a sister, right?" Nagsalubong naman ang kilay ko nang si Engineer Markus na naman ang tinanong niya.
Bumibilis ang t***k ng puso ko sa narinig. Na may kapatid na babae sina Markin?
"You're so fvcking gen--aw, that's sweet."
"We...we have to go," paalam ko.
Tumango naman siya at nagsalita pa, "See you when I see you, little Brilliantes." I was nervous... How come...
Ang kaba ko ay dinaanan ko na lang sa mahinang pagtawa para hindi halata na sobra na akong kinabahan.