CHAPTER 27

2194 Words
Chapter 27: First night "WALA po sa pamilya ko ang nananakit... K-Kaya asahan niyo pong aalagaan at mamahalin ko ang mag-ina ko." Ilang minuto ang nakalipas bago nahimasmasan ang lahat. Pero ang kilig na nararamdaman ko ay hindi man lang naglaho. Mas lumakas ang kabog sa dibdib ko. Hindi ko kayang pakalmahin ang sarili ko. "Hahayaan ka namin na manatili rito at tatratuhin ka namin na isang bisita. Rea, ikaw na ang bahala sa kamukha ng aking apo," sabi ni Tatay sa akin. Napakamot ako sa kilay ko kasi bakit naman iyon ang tawag ni Tatay? Kamukha talaga ni Markiana? "Ah... Engineer Markin," tawag ko sa atensyon niya. "Si Tatay Handerson pala, si Lolo Henriko at Lola Areah. Siya naman ang Nanay Ravena ko," pakilala ko sa buong pamilya ko. Tumango-tango naman siya pero hindi niya rin mawari kung ano ba ang gagawin niya. "Ikinagagalak ko pong makilala kayo," magalang na sabi niya sa mga ito. Ang Nanay ko lang ang lumapit sa kanya at nagmano naman siya. Kinuha ko mula sa kanya ang anak namin pero humaba lang ang nguso nito at umiling sa akin. Ayaw umalis sa Daddy niya. "Pasensiya ka na, hijo, ah? Ganoon lang kami kaprotektado kay Rea," nahihiyang sabi ni Nanay kay Markin. "Ayos lang po iyon, Ma'am... Naiintindihan ko po..." "Tita, Tita na lang ang itawag mo sa akin," nakangiting sabi ng aking ina sa kanya. "S-Sige po, Tita... Tita Ravena..." "Ang mabuti pa ay pumanhik na muna kayo sa kuwarto niyong mag-ina, Rea. Isama niyo muna si Engineer. Hahatiran ko kayo ng meryenda. Alam kong napagod kayo sa biyahe niyo," ani Nanay at humalik pa sa pisngi namin ni Markiana saka kami umakyat sa hagdanan pero napahinto ako nang may naalala ako. "Eh, bakit po sa kuwarto namin, 'Nay? Puwede naman siya rito--" nabitin sa ere ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang paghawak niya sa baywang ko. Sobrang init ng palad niya. Naramdaman ko rin ang paghilig niya sa akin. "Huwag mo naman akong iwan dito ng mag-isa. Ang sama pa rin ng tingin sa akin ng Lolo at Tatay mo. Lalo na ang Lola Areah mo..." sabi niya at ibinulong niya lang ang pangalan ng abuela ko, dahil sa takot. Sinulyapan ko naman silang tatlo at tama nga siya. Ang sama nilang makantingin sa amin. Oo, nadamay pa ako. "Kasama mo naman ang anak mo. Kahit wala pa 'yang kamalay-malay ay alam kong ipagtatanggol ka niyan. Nakita mo naman ang kanina, 'di ba?" pangdadaldal ko sa kanya at nginuso ko ang baby na buhat-buhat niya. "I love you, love... Huwag mong iwan dito si Dada, ah?" pakikipag-usap niya rito at ilang beses na hinalikan ang matambok nitong pisngi. Umikot na lang ang mga mata ko saka ako naglakad. Sumunod naman sila sa akin. 'Sakto lang ang laki ng kuwarto namin ni Markiana at siyempre, iilan na lamang dito ang mga gamit ko na puro black. Kagaya ng sinabi ko ay ayokong matakot ang baby ko sa mga art collection ko. "Iyong mga bagahe namin ni Markiana. Hindi mo dinala," sabi ko. Umupo sila sa paanan ng kama at nagkukulitan na naman. "Kukunin ko mamaya, samahan mo na lang ako," usal niya. Mukhang takot pa siya sa pamilya ko. "Sorry pala kanina," ani ko. Hindi ko na yata makakalimutan pa ang ginawa nila sa engineer na ito. Sobrang nakakahiya talaga, to the highest level. "Ayos lang. Naiintindihan ko naman sila." Oh, ang bait, ah... Hindi halatang anak mayaman. Ibinaba naman niya sa kama si Markiana na mabilis itong dumapa. Hinubad niya ang medyas niya at humiga na rin siya. "Dito na lang muna kayo," pagpapaalam ko sa kanila pero bago pa ako makalabas ay nagsalita na siya at pinigilan ako. "Stay here. Baka paluin ka na naman ng Lola mo. Hindi mo pa naman ako kasama kaya hindi kita maipagtatanggol," utas niya. Kinunotan ko lang siya ng noo saka ko ipinagpatuloy ang paglakad ko palabas. Naabutan kong nag-uusap pa ang tatlo at seryosong-seryoso sila. Nilapitan ko sila at isa-isang hinalikan ang likod ng palad nila saka ko sila niyakap nang mahigpit. Nagprotesta pa si Lola Areah pero yumakap din naman siya sa akin. Parang dalaga, may pakipot pa. "Totoo bang engineer ang kamukha ng apo ko, anak?" curious na tanong ni Tatay sa akin. "Opo at Markin po ang pangalan niya, 'Tay," sabi ko. "Bakit hindi mo sinabi sa amin na siya pala ang ama ni Markiana, apo?" tanong naman ni Lolo Henriko at napatingin ako kay Lola Areah na naghihiwalay rin sa isasagot ko. "N-Natakot lang po ako noon, eh... Saka po... S-Sinubukan ko naman pero nang malaman ko ang tungkol sa family history nila, sa weird belief ng clan nila ay nagbago na po ang isip ko. Kasi po..." hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang sumulpot si Nanay at ibinigay niya sa akin ang isang tray. Napangiti ako nang makita ko ang favorite kong kakanin, bibingka at tikoy. Umuusok pa ang kape dahil sa init nito. "Salamat po, 'Nay." "Kumakain kaya ng mga ganyan si Engineer Markin, anak?" nag-aalangan na tanong niya. "Subukan niya po na huwag kainin ito dahil ako ang kakain sa kanya," nanakot na sabi ko at bigla silang natahimik. Napahiyaw na lang ako nang maramdaman ko ang mariin na pagkurot sa baywang ko. "L-Lola naman!" reklamo ko at hindi ko magawang tanggalin ang kamay niya dahil hawak-hawak ko na ang tray. "Mahal naman! Ang apo mo aba, nasasaktan!" pagtatanggol sa akin ni Lolo Henriko at nilapitan niya ang abuela ko. "Lolo, ang asawa niyo po," halos maiyak na saad ko na tinawanan niya lang at umiling-iling lang si Tatay. "Ayos-ayusin mo kasi ang pananalita mo, Reyang," marahan na suway sa akin ni Nanay, "Sige na, iakyat mo na 'yan at kung makakapagpahinga na kayo ay tatawagin na lamang kayo para kumain." Tumango lang ako at sinimangutan ko naman si Lola Areah. "May anak na ako, Lola, ah," paalala ko. Naabutan kong nagkukulitan pa ang mag-ama habang nakadapa ang baby namin sa dibdib niya. Hindi nagsasawa sa isa't isa. "Ang ingay-ingay niyo, ha," kunwari ay reklamo ko pero natutuwa talaga ako kapag naririnig ko ang boses ng anak ko. Ang paraan nang pagtawa niya... "Narinig kitang sumigaw kanina," wika niya. Tumango lang ako at hinila ko ang maliit na mesa ko palapit sa kama. Doon ko inilapag ang dala kong tray. "Kinurot ni Lola ang baywang ko," agad na sabi ko. "Masakit?" parang inosenteng tanong niya. Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Ikaw kaya ang kurutin ko?" pananakot ko pero ngumisi lang ang gago. Umupo naman siya at kinandong na niya sa lap niya si Markiana. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang pulang marka nito sa pisngi at ilong. Meron pa sa chin nito. Sunod kong tingnan ang pagmumukha ng engineer at may bakas na maliliit na ngipin sa pisngi niya at sa kanyang ilong din. May basa rin sa mukha niya. Nagkagatan yata. "Ano 'yan?" tanong niya at itinuro ang hinanda ni Nanay na meryenda para sa amin. "Kakanin, bibingka at tikoy. Kainin mo ito kung ayaw mong ikaw ang kainin ko," banta ko at narinig ko ang matunog na pagngisi niya. "I like that. I won't complain kung ako ang kakainin mo, baby," nakangising sabi niya na ikinalaglag ng panga ko. Parang doon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Kaya naman pala ako kinurot ni Lola Areah kanina dahil sa sinabi ko! Sa part ng pagkain! Letse, hindi iyon ang naisip ko kanina, ah! Ibang paraan ng pagkain iyon! "Love, masusundan ka na yata agad-agad," sabi niya kay Markiana. "Tumahimik ka! Napaka-green minded mo talaga!" asik ko sa pagmumukha niya at mariin na pinisil ko pa ang ilong niya. Tumawa lang siya at sinabayan pa ng maliit na baby na 'yan. Nakabusangot na kumain na lang ako. Hindi naman kasi iyon ang naisip ko kanina, ah? Ano ba ang pinagsasabi nila? Kaya naman pala silang natahimik. Pero tangna, naalala ko lang ang ginawa niya noong gabing iyon! Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko at parang hindi ko na kayang lunukin pa ang kinakain ko. "Love, namumula ang pisngi ng Mommy ganda mo. What are you thinking, baby?" aliw na aliw na tanong niya sa akin. Dahil sa inis ko at kinuha ko ang bibingka at sinalpak ito sa bibig niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko. "Kumain ka na lang! Puro ka daldal, engineer!" sigaw ko at biglang umiyak si Markiana. Pinagtaasan ko ng kilay ang baby namin. "Dada..." sabi niya at sinabayan pa nang pag-iling, "Mama, Dada..." "Favoritism ka talagang baby ka! Paganyan-ganyan ka, magdede ka na rin sa Daddy mo," sabi ko pero malakas lang umiyak si Markiana. Ayaw yata nito na inaaway ko ang Daddy niya. "You still..." pabitin na sabi niya dahil ngumunguya pa siya ng kinakain niyang sinalpak ko sa bibig niya. "Oo at ikaw na ang magpa-breastfeed sa kanya!" "I want to watch it." "Ano?!" gulat na tanong ko. "Gusto kong makita si Markiana na nagbi-breastfeed pa sa 'yo," seryosong sabi niya at pinitik ko ang noo niya. "Napakabastos mong engineer ka," sabi ko. "Why? I just want to watch it, you know," pangungulit niya. "Reyang, bakit umiiyak si Markiana?!" narinig kong sigaw ni Lola Areah mula sa kabilang kuwarto. "May favoritism po ang apo niyo sa tuhod, Lola! May pinagmamanahan talaga," ani ko. "Ssh... Hindi ako inaaway ng Mommy ganda mo, love..." pag-aalo niya rito. "Sumbong kita kay Nanay, Markiana!" parang batang sabi ko na ikinaiyak niya lalo. Natataranta na naman ang Daddy niya at sasabayan pa yata siya sa pag-iyak. "Stop it, Rea... Huwag mo nang paiyakin ang anak ko..." suway nito sa akin pero ang lambing ng boses. Tss. DINNER time na namin at dinala namin sa kusina ang crib ni Markiana. Pero dahil sinusubukan nitong tumayo kanina ay natataranta na naman ang Daddy niyang engineer kaya sa huli ay nakaupo na naman siya sa lap nito habang naglalaro. Nakita iyon nina Tatay kung paano mag-aalala si Markin sa anak niya at hindi nakakain ng maayos dahil nakatutok ang mga mata niya sa crib. Wala ng tensyon sa pagitan naming lahat at masagana kaming kumain. May iilan na mga katanungan sila kay Markin na nasasagot naman niya. Kitang-kita ko ang pagbabago ng emosyon nila habang kausap nila ang Daddy ni Markiana. Lalo na si Lolo Henriko at manghang-mangha pa siya. "Saan po siya matutulog, 'Nay?" tanong ko sa aking ina dahil may sinabi siya kanina kung saan matutulog si Markin. "Sa kuwarto mo, Reyang." "Po?!" gulat na sambit ko at umiling. Nauna nang magpahinga sina Lolo Henriko at Tatay. Kami na lamang ang natirang tatlo. Nasa kuwarto na nga namin ang mag-ama. "Nasa kuwarto mo na siya. Magrereklamo ka pa ba?" nakataas na kilay na tanong sa akin ni Lola. Napanguso na lamang ako saka ako pumanhik sa kuwarto ko. Gising pa si Markiana dahil hindi 'yan makakatulog ng hindi siya nakakapag-milk. Nakaligo na rin ako kanina, pero si Markin ay hindi pa. Hindi niya kasi kinuha ang mga bagahe namin at halos hindi na niya binitawan pa ang baby. "Tara, kunin na natin ang mga bagahe mo," ani ko at sumilip lang ako sa pintuan, "Akin na muna si Markiana," sabi ko pa at mukhang naintindihan ako ng baby dahil itinaas na niya ang matambok niyang mga braso. Mariin na hinalikan ko ang pisngi niya at nag-iwan iyon ng pulang marka. Natawa ako. "Ang bango-bango ng baby ko..." wika ko at nauna na kaming bumaba ulit. Hanggang gate lang kami dahil hindi na kami pinasama pa ng kanyang ama. Gabi na kasi at lumalakas na ang hangin kaya madali ng lamigin si Markiana. Duffle bag at ang bagahe naming mag-ina ang dala-dala niya pabalik sa bahay. "Nasa kusina ang banyo namin. Maligo ka na muna saka ka matutulog...sa sahig," ani ko at itinuro ko pa ang sahig. Napatingin naman siya roon. Ang akala ko ay magrereklamo pa siya pero tumango lang siya. Itinuro ko na rin sa kanya ang kusina. Pagkatapos kong bihisan ng bagong pajamas si Markiana ay pinatulog ko na siya. Binabantayan ko ang talukap ng mga mata niya pero ang tagal niyang matulog. Baka maabutan kami ng engineer. Nahihiya akong makita... But it's too late. Mabilis siyang nakasampa sa kama namin at tumabi kay Markiana. Titig na titig siya at nakataas ang sulok ng mga labi niya. Iniiwasan ko ang magsalubong ang mga mata namin dahil namamanhid na ang batok ko dahil sa kahihiyan. "Kaya pala..." sabi niya. "Ano?" agad na tanong ko. "Kaya pala malusog si Markiana... Dahil..." Hindi ko na siya pinatapos pa at mahinang tinampal ko ang bibig niya. "Shut up..." naiinis na sabi ko. Hinawakan niya lang ang kamay ko at hindi na binitawan pa. "Hoy, sa sahig ka matutulog..." "Let me sleep beside you, please... Gusto kong makatabi rin si Markiana... Our first night sleeping together..." he said in a husky voice at hinalikan niya ang ulo ng baby namin. Mas napalapit tuloy siya sa akin. "I love you, Markiana..." Mariin ang titig ko sa kanya. "And I want to love you, too baby..." "Who's baby?" salubong ang kilay na tanong ko. "My kulot..." sagot niya at inaantok na talaga yata siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD