"Mama!" saad ko ng nakita ko siyang nakahiga sa sahig ng kusina. Agad akong tumakbo at ginigising si mama. "MAMAA" saad ko pa at madaling umakyat para kunin ang phone ko sa Cabinet. Di ko maiwasang umiyak. "H-HELLO, C-CALYX TULONG" saad ko at sobrang nanlabo na ang paningin ko dahil sa luha. Wala akong narinig sa kabilang linya ngunit alam kong dadating sya. Agad akong bumaba at pinuntahan si mama sa baba. "M-mama" saad ko habang umiiyak. Nasa tabi nya lang ako at hindi umaalis nilagay ko ang ulo ni mama sa bandang binti ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita ko si Ace na hinihingal. Nagtinginan kami ng sandali at Wala na akong oras magtaka ang nasa isip ko lang ngayon ay si mama. Binuhat ni Ace si mama at tumingin ito saken. Sinundan ko sila at sinakay nya si mama sa sasakyan

