"Hoy kilala mo ba sila lola?" Tanong ko sa kanya ng matapos na kaming kumain. "Hindi" saad nya. "Huh edi nakikain lang talaga tayo?" Saad ko at tumango sya. wahhhh nakakahiya. Ano ba to Ace may hiya kaba? Kakairita dami ko pa kinain kanina. Paano na to huhu nahihiya rin kaya ako. Kitang kita nila katakawan ko tas nakikikain lang pala kami. "Wag kang magalala, andami mo agad iniisip" saad nya at kanina pa pala nakatingin sakin. "Kanina habang naghahanap ako ng signal sa phone nakita nila ako kaya agad akong nagkwento so yun nga tinulungan nila tayo" paliwanag nya pa. Ahhhh pero nakakahiya parin hayss. Oo nga tumulong naman ako kanina magligpit hehe may natulong ako si ace wala kaya sya dapat ang mahiya. Nagpaalam narin ako kay lola dahil aalis narin kami ni Ace. "Salamat po lo

