"WAHHHHH" saad ko habang nag wawarm up dahil bagong gising palang ang magandang dilag. "Anak baba kana diyan, tulungan mo'ko magayos ng paninda" saad ni mama. "Opo mamshie, Pababa na po ako" saad ko at tumingin sa salamin.Iw may laway laway pa.Naghilamos ako at bumaba.
Tinulungan ko si mama siyempre napakabait kong anak ako na ata pinakamabait, Well."Mama" saad ko habang inaayos namin ang tali ng gulay dahil gulay naman ang ititinda nya."Lagi kong napapaginipan si papa" saad ko kahit ayoko itong banggitin 'di ko mapigilan dahil sa kadaldalan ko.
"A-anak" saad ni mama at napatingin ako. "Mama bakit ma?" Tanong ko na nagtataka dahil parang kinakabahan si mama."I-ayos mo na 'to anak at magluluto na ko pang almusal natin" saad niya at tumayo kaya agad kong sinunod. Mukhang nagbago ang ekspresyon ni mama nang banggitin ko iyon siguro ay ayaw niya iyon marinig?.
______________
Wahhhh papasok na naman ako at nakita ko yung dalawa kong tropa kaya 'di ko sila pinansin ngayon lang ako magtampo kaya pagbigyan niyo na, Aba kahapon kaya kawawa ako.
Naglakad ako habang nakatingin sa gitna ang mata at sumisipol nagtatatalon na parang bata."Zoeeeee!" Sigaw ni Kevin at pupunta na saken ng 'di ko pinansin at si Calyx ay nilagpasan ko lang kaya agad nila kong hinabol noong nakalagpas na ako sa kanila kaya tumakbo agad ako.
"WAHHHHHHH" saad ko habang natakbo. "ZOEEEE" saad ni Kevin at nahabol ako ni Kevin at kiniliti. HAHAHHAHAHAH 'di ako makagalaw sa tawa.
"HA-H-AHAHA T-TAMA NA HA" saad ko ang tumigil sila at inayos ko ang mukha ko. "Oh ano?" Saad ko na seryosong mukha.
Nagulat ako ng nakangiti si Calyx na may dalang chocolates,Iwwww ano 'to suhol tss.
"Sorry na" saad ni Kevin sakin at nagpacute. Aba kala mo cute yuck pwede na maging koryano."Oo nga Zoe, Sorry na nawalan kami ng time sa'yo" saad ni Calyx at nagmamakaawang mukha.
"Che!" Saad ko at tumalikod.Kung sa tingin niyo basic lang ako never 'di niyo ko mababasic.
Kahit ano pa ibigay ny-
__________________
"Dahan dahan naman Zoe para kang bata kumain" saad ni Calyx na may hawak na tubig at inaabot saken.
"Oo nga Zoe na miss mo ba kami ng sobra kaya ganyan kain mo sa binigay namin" saad naman ni Kevin at hindi ko sila pinansin.
Ako nginangatngat lang pati plastic ng chocolates, Che! wala akong pake sa kasalanan niyo chocolate lang gusto ko.Kaya 'di ko sila pinansin at ngatngat parin ang balat ng chocolate.
Iyon natapos na akong kumain hays, sarap talaga ng libre ang totoo gusto ko pa magtampo para bukas may chocolate ulit ako kaya tumakbo agad ako para 'di matapos ang libreng chocolates umalis ako ng hindi nila napapansin dahil nasa likod naman ako ng oras na iyon.
Habang tumatakbo ako nakasalubong ko si sophie."WAHHHHHHHHHH" sigaw ko at nakaturo sa kaniya na nakahawak ang kamay sa tainga dahil siguro sa ingay ng paligid.
"SOPHIAAAAA 'DI KA MULTOOO!" saad ko habang patakbo sa kaniya at mukha ngang natatakot na siya at napaatras pero tumakbo paren ako dahilan para mahulog kaming dalawa sa sahig sa pagsalubong ko sa kaniya.
""SOPHIAAAAA!" sigaw ko parin kahit malapit na'ko sa kanya."Zoe ang sakit sa tainga" saad niya at agad naman akong nag sorry.
"HEHEHEH, tagal kitang hinanap kala ko sayang libre ko kung multo nakausap ko diba heheh" saad ko.
At tumayo kami sabay. "By the way kamusta ka Sophia? Inaasar ka paren ba na dugyot at maitim na madumi at payatos sa section B?" Tanong ko.
"hindi na tignan mo oh, ang ganda ko na" saad nya at ngumiti.
"OO NGA NOH!" sigaw ko ulit dahilan ng pagtakip nya ng tainga.Ang ganda na nga nya well maganda naman na siya siguro hindi lang siya nagayos noong nakaraan.
"IPAPAKILALA NA KITA KILA CALYX!" saad ko at tinawagan ko sila sa phone para papuntahin dito dahil excited na akong magkasama sama kami pero pag lingon ko habang nag riring cellphone kong may sungay nawala si Sophia at nacall decline naman ni Calyx sa call ko.
Kaya nagtaka ako at tinignan ang malaking orasan.
WAHHHHHH late nako 15 minutesssss.
Sabay takbo sa hallway.
'Yon na kita ko na ang door
'Yon na
Eto na isang takbo pa
Wahh nauuhaw ako pero tatakbo ako
WAHHHH
Habang natakbo ako may nakita akong lalaking umiinom sa hallway kaya agad kong hinatak yung tubig at huminto sa pagtakbo at ininom iyon."WAH" saad ko habang nakasandal sa pader ang kamay ko sa sobrang pagod at hingal.
Napansin kong nagulat ang lalake sa harap ko pero ubos na ang tubig binalik ko sa kanya ang bote at astang mag
Papasalamat ng-
"I-isaac?" Nakatulala kong saad wahhhh nakakahiya ka talaga Zoeeee."Ah hi?" saad nya.
"WAHHHH SORRY SORRY SORRY" saad ko at pilit na binabalik ang bote sa kanya.
HUHUHUHUUU
Tumawa siya ng mahina.
"Cute, It's ok I can buy you one if you want some?" bulong nya na ikinalaki ng mata ko sheeeeshhh namumula pisngi ko buti nakayuko parin ako "okey na a-ako" saad ko habang nakayuko.
"By the way recess na kanina pa kita nakikitang tumatakbo ah" saad nya at napatingin ako.
"Aaaa ano kase ah t-tawag don sumali kase ako running field" saad ko at pakamot ulo. "Hmm you mean track and field?" Saad nya." Oo yon nga naunahan mo lang ako hehe" saad ko gesh kahiya.
"Um.. do you want to eat? If it is okey with you Let's go together? my treat" saad nya at nakangiti na nagpagwapo lalo sa kaniya. Ang pungay talaga ng mata niya at brown eyes gr sarap titigan. Sa lahat ng lalaki sa school sa kaniya lang bumagay ang bulok na uniform namin.
Ang uniform ko kase may necktie at may pagka polo na may butones sa gitna, Hindi siya tulad ng mahahabang parang jacket. Sakto lang ang ito sa init sa Pinas aba wag na mag koreana naku wala tayo sa Korean. Sa lalaki naman ay maganda isang polo na may butones at may nakapatong na parang sando na black gash hirap ipaliwanag aba. Babalik na ako sa katinuan ko.
OMGGG NIYAYAYA NIYA KO MAG DATE WAHHHHH KALMAA ZOE KALMA.
"YES I DO" saad ko na ikinangiti nya aaack cuteee.Wait yes i do? Parang sagot yon sa ikakasal ah.Aaackkk pwede na'yon.
"Lets go" saad niya at sabay kami naglakad papunta canteen. Aba, 'Di na pala ako pumasok haha ok lang 'yan matalino naman na ako.
"By the way. are you ace's girlfriend?"
Tanong niya habang nakasunod ako sa kaniya.
YONNN MAY PAGKAKATAON NA KONG MAGPALIWANAG."NOOOOOOOOOO!" Sigaw ko para maliwanagan sya na ikinagulat niya at tumingin sa akin.
"I mean no" nuks napapaenglish ako sayo Isaac bebelabs.Ba't wala akong masabi gash ang awkward ba.Sheessssshhh pero lakas ng t***k ng puso ko. "Oh, Really? hm nice" saad niya at ngumiti. Gr Isaac hanggang kailan kaba magiging ganito kapogi.
"What do you want?" Tanong niya saken habang nakaupo ako sa table ng canteen. "Ikaw" saad ko.
Wait ikaw? IKAW?????
napatawa sya ng mahina
"I mean ikaw, Ano tawag don a-ano I mean i-ikaw" Sheesss pano to."I m-meanikaw na bahala ganon" saad ko at kinakabahan aba Zoe ano ba.
"Hehe, Sabi mo eh" sabay kindat shees ang cute grrr kainis na Isaac. gr bilis ng t***k ng puso ko nakakainis 'di ko mahinto heartbeat ko, Aba ihihinto amp bano kana Zoe.
Nang paalis siya ay nakatitig parin ako sa kanya ang pogi kahit nakatalikod wahhhh. Nagulat ako ng may pumitik sa noo ko.
"Aray" saad ko at nakita ko si ace sa tapat ng upuan namen ni bebelabs."HOYY UPUAN NI BEBELABS YA-" napalakas ata sigaw ko kaya nagtinginan sila sa akin.
"Hoy alis!" saad ko habang winawagayway kamay ko.
"Ayoko nga" saad nya. "Edi ako nalang aalis" saad ko ng nakita ko si Sophia na binubully at tinulak ng isang babae kaya pupuntahan ko sana ng pinagtanggol siya ng bebelabs ko.
Kita ko yung care ni bebelabs nung natumba si Sophia sa tulak ng babae.
"WOW kita mo 'yon ace?" Saad ko habang napatulala napakagentleman aaackk.
"Ah oo kita ko" saad niya na parang walang pake."Ang gentle man nya 'no" saad ko habang kinikilig. Tumigin si ace sa akin ng seryoso.
"'Di naman" saad niya kaya tinarayan ko siya.
Omggg ba't bq si bebelabs iniisip ko gr nalimutan ko si Sophia, Kaya agad akong napatingin kay Sophia sana okey lang siya.
'Di kami natuloy mag date ni Isaac dahil aasikasuhin niya daw muna si Sophia.
Kaya yon hehe. Uuwi akong luhaan."Ano ba't nakasimangot ka?" Tanong nila Calyx saken habang naglalakad ako palabas ng school.
"'Di natuloy date namin ni Isaac WAHHHH" saad ko.
'Di nila pinansin ang sinabi ko at nagtuloy tuloy sa paglalakad.Aba 'di sila naniniwalang muntik na kami magdate!.Piningot ko yung dalawa at umaray naman sila.
"MUKHA BANG NAGSISINUNGALING AKO HA" saad ko habang pinipingot sila.
"Arayy oo na Zoe naniniwala na kami kunyari" kaya mas nilakasan ko pingot.
At tumakbo na naman sila wkw kala nyo hahabulin ko kayo.
ASAA
"MAGSIBALIK KAYOOO!" saad ko at hinabol sila ng buong sigla.