CHAPTER 11

1565 Words
"WAHHHHH PASUKAN NA NAMAN" sigaw ko habang palabas ng bahay."Mama una na po ako" pahabol ko pa."Sige nak, Ingat" saad ni mama. "LALALA LA LA LA" kumakanta ako habang lumulukso kase nakasanayan ko na."Oy Kevin" saad ko nang nakita ko siyang naglalakad kaya huminto siya at humarap sakin. "Oh Zoe andito kana pala" saad niya ng may tinatawagan sa phone. "Huh sino si Zoe?" rinig ko sa cellphone niyang boses babae. "WAHHHH KEVIN MAY GF KAREN?" tanong ko at ngumiti sya. Aba pogi naman 'to si Kevin ba't pa ako magtataka. "Oo Zoe si Sabrina Girlfriend ko" saad ni Kevin. "Sorry love, Kababata ko 'to, si Zoe" saad ni Kevin sa cellphone niya. "Sige Zoe una na ako susunduin ko pa siya" saad nya at hindi pa ako nakakapagsalita nang umalis na siya. Naiwan ako dito.Magisa. Si Calyx hindi narin ako nirereplayan busy daw.Pero okey lang hahanapin ko nalang si Sophia. "LALALALA LALA LA LALALA" lumulukso ako hanggang makarating sa School.Nakakainis hindi ako sanay mag isa pumasok. Bakit pa kasi sila nag Girlfriend kawawa naman ako. Naglakad na ako papunta sa School.Nakakawalang gana naman."Hoy" nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko at umakbay. Wahhh si Calyx ba 'to."WAHHHH CALY-" nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Ace. Mas lalo akong nawalan ng gana. "Ialis mo nga 'yang kamay mo" seryoso kong saad. Akala ko sila Calyx. "Ba't naman malungkot ka" saad nya. Wow medyo bumabait kana. Kaya pipingutin ko na sana siya. "Wag ka ngang feeling close" saad ko pero inilag niya ang tenga nya at hindi ko siya mapingot ang likot. Tumawa siya ng tumawa ng hindi ko yun maabot."Epal ka bahala ka diyan wala ako sa mood" saad ko pa at tinantanan na sya."Ang bilis mo naman magtampo" saad nya. "Inaasar mo ba ako?" Saad ko at tinulak sya."OMGG ANDITO NA SI ACE" saad ng babaeng katabi namin."Hi" saad ni Ace habang nakapalibot sa kanya ang mga babae at aba kadiri. "Iw" saad ko ng tumingin sya sakin at ngumiti.Iw big yuck alis na ako. "Omg ang gwapo niya at ang bait ideal man ko siya besh" saad ng isang babae dito hindi kalayuan sa kanya. "Lalo ko siyang nagugustuhan balita ko mayaman siya ah" saad pa nung isa aba gold digger yarn. Tumuloy na ako sa paglalakad habang naglalakad ako at nakatingin ako sa baba.Porque mayaman crush nyo na, Oo gwapo siya pero ugali niya yuck nalang" Panget ng ugali niyan eh Patapon ko kayo sa mabahong fountain. BAGSH!. may nabangga ako."ARAY-" sisigaw sana ako ng makita ko si crush?. Crush?. Crushhh??? KWASSS "A-ah nasak-tan kaba? Sorry ha" saad ko at nakakahiya grabe nakatingin sya sakin right now.Kitang kita mo yung katangkaran at kaputian niya and wow may bangs, Ang pogi talaga niya tas ang laking tao rin maganda ang mata aba brown na brown saka wah ang bango niya isa pang bangga please. "Angel right?" Saad niya na ikinagulat ko kilala nya akooo. "A-ah" 'di ko natuloy ng inilahad niya ang kamay niya sakin at nakangiti. "Isaac nga pala" saad nya inabot ko ang kamay ko.Alam ko name mo OA ka crushh. OMAIII ANG LAMBOOTT. "h-hi?" Saad ko. Bakit hindi ako makapagsalitaaaa ng maayos.Nakakainisss "Okey kalang?" Tanong nya.Mukha ba akong natataranta?. "Ah i mean yung ulo mo okey naba? Sorry kahapon ah" saad niya at napakamot ulo. Wahhhhh crush na talaga kitaaa. Nakakanganga ang cuteness. "Ah salamat" saad ko. Ano daw? "Ha?" Saad nya at natawa kaya napakamot ako ng ulo at napatingin sa baba."Babe, Andyan ka pala" nagulat ako sa sumigaw sa likod. Kaya tumingin kaming dalawa ni Isaac. Ace? Palapit siya samin kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Please wag kang gagawa ng gulo" bulong ko. "Babe andito kalang pala" saad nya at inakbayan ako at ngumiti na humarap kay Isaac. Nagulat ako at tumingin kay Isaac na nagulat din. PAKSHETTTT EPALLLL KA TALAGAAAA "Ano bang sinasabi mo? Baka nagkakamali kalang" saad ko at ngumiti sa kanya habang tinatanggal ang kamay niya sa balikat ko. Napansin ko naman na may mga babaeng nagbubulungbulungan sa paligid.Matuturn off sakin si Crushhhh kung gagawa ako ng hindi maganda sa ugok na"to. "Ace Girlfriend mo pala siya pasensya na kahapon ah, Una na pala ako" saad nya at ngumiti sakin. WAHHHHH HINDIII BUMALIKK KAAAA Nung tumalikod sya at naglakad palayo ay ngumisi si Ace habang ako naman ay nakanganga at tinitignan si Isaac palayo. Nanotice ako pero bwisit talaga. "EPALLL KAAA!" sigaw ko bigla siyang tumakbo kaya naman hinabol ko sya. "NAKAKAASARR KAAA!" sigaw ko pa. Ang bilis niyang tumakbo. Pinagtitinginan na kami pero wala akong pake. "Habulin moko palengkera" saad nya habang natatawa at tumatakbo.Kainisss sya sinisira niya moment naminnn. ___________________ "Maghihiganti ako" saad ko habang ginagamot ng nurse sa clinic ang tuhod ko.Nadapa ako kainiss. Napatid ako habang hinahabol sya. Epal siya. Paika ika akong naglalakad sa sobrang sakit ng tuhod ko. 'Di ako makapaniwala na 'di ko siya nahabol eh nung bata nga ako hinahabol ako ni mama ng pamalo dahil puno ng putik damit ko non di ako nahabol ni mamshie tas sya??? Grrr. "Hoy palengkera takbo na 'yon?" Ani Ace habang kumakain ng icecream at nakasandal na pader. 'Di ko siya nilingon at patuloy na naglakad. Para akong bagong nganak dahil sa ika ika kong lakad dahil sa sobrang sakit ng tuhod ko. Hindi ko alam pero unang pagkakataon na makakausap ko si Isaac sinira ng gungong na'to kaya naiiyak ako sa lungkot.Kahit crush ko lang siya feeling ko sira na kinabukasan namen huhuh kaya napagisip isip ko 'di ko na papansinin ang gunggong na'to dahil kasalanan nya lahat at mamomoblema lang ako sa kanya. Dali dali akong naglakad at nagsasalita siya habang nasunod ngunit di ko iyon pinansin.Nagulat ako ng tumakbo sya at pumunta sa harap ko at "Aaaaaaaah!" Napasigaw ako ng nabanga ako sakanya habang nakaluhod patalikod at mabilis niya akong napasan. "Ano bang ginagawa mo ibaba mo nga ko" walang gana kong sagot hindi ko alam ba't nawalan ako ng gana bukod sa di ko nakasama tropa ko ngayon ay nasira narin ako sa crush ko huhu ang lungkot ko. "Wag kana ngang pumalag palengkera ikaw nanga tinutulungan" saad nya habang nakapasan ako at naglalakad na siya. "'Di ko naman kelangan ng tulong mo" saad ko ngunit 'di ko alam bat wala akong gana ngayon. " 'Di ako sanay na ganiyan ka" saad nya ngunit ramdam ko ang seryoso niyang ani kahit siya ay nakatalikod sakin. "KASALANAN MO KAYA LAHAT BA'T GANITO NANGYAYARE SAKEN! NADAPA PA KO NG DAHIL SAYO! KASALANAN MO KAYA MALUNGKOT AKO KUNG ANO ANO PA SINABI MO KANINA KAY ISAAC LOKO KA TALAGANG GUNGONG KA!" Sigaw ko habang pinipingot sya. "Arayyy!" Saad niya ngunit hinihila ko paren ang tenga nya habang nakapasan ako. "Wag kang magulo arayy mahuhulog k-" at "ARAYYYYYY! SUGAT KOO HUHUHUUU SUSUMBONG KITA KAY MAMA!" Saad ko nung nahulog ako mula sa pagkakapasan. 'Di ko maiwasang umiyak hindi dahil sa sugat ko kundi dahil feeling ko ay magisa nalang ako ngayon dahil umuuwi ako dati ng may kasabay ng kaibigan at ngayon parang bigla nalang silang nawala. "Umiiyak kaba?" Tanong nya sabay abot ng panyo. Malamang naiyak ako ang abno talaga kahit kelan. "Sorry ang kulit mo kase nabitawan tuloy kita" saad nya na may naaawang mukha akala ko ay nagpapakabait siya ngayon kaya. Gulat ako ng nakatapat at camera niya sa mukha ko sabay halakhak. "Ang panget mo umiyak palengkera 'di talaga bagay sa'yo" saad niya naikinainis ko."WALA KA TALAGANG AWA SAKEN EH NO! ACE CHOIBETA" Saad ko sabay tayo at paika ikang hinahabol siyang tumakbo. HAHA kahit papano masaya akong hinahabol siya kahit napakasakit ng paa ko. --------------------- Zoe's POV "Anak d-d na babalik ang p-papa mo" saad ni mama na ikanatulala ko. Si papa 'di ko alam kung nasaan sya nawala siya nung walong taong gulang palang ako ngunit 'di ko malilimutan ang itsura ni papa. hindi ko alam pero sa mga panaginip ko nakikita kong may kasama siyang babae at anak. 'Di malinaw saken ang sinabi ni mama na wala na si papa dahil hanggang ngayon hindi ko parin alam ang dahilan. "Angel eto oh icecream chocolate favorite mo" saad ni papa habang nakangiti. "Yeheyyy" masaya kong saad habang naglalakad sa parke habang hawak ni mama ang isa kong kamay. Napakasaya ko ngunit unti unting lumalabo ang lahat. Lumalabo. "Anak lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni papa ah" saad ni papa binigyan ako ng halik sa noo ngunit 'di ko maintindihan bakit niya kailangang umalis. Nakita ko si mama na tahimik sa gilid at palihim na umiiyak. 'Di ko maintindihan sobrang gulo hawak ko ang manikang regalo ni papa noong kaarawan ko. Ang kwentas na meron kaming tatlo ni mama at papa. Ang ala ala,'Di ko maintindihan Nang nakalabas na sa pinto si papa ay agad akong tumakbo habang umiiyak. "PAPAAA" sigaw ko habang humahagulgol. 'Di ko maintindihan pero nararamdaman kong 'di ko na siya makikita pa. Ang unang lalaking nangiwan saken. Simula noon 'di na ako nagtanong kay mama at ayoko na rin marinig ang pangalan ni papa o kahit ano man. Masaya na ko at wala naring balak alamin ang nangyare kay papa. Galit ako dahil 'di ko maintindihan.Wala sya minsan sa bahay noon at madalang ko lang maramdaman ang pagmamahal niya at lilisan siya at hindi na bumalik. Di ko alam. Ang alam ko lang Ayoko sa kanya Galit ako. Sa pagiwan niya samin ni mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD