Nagising ako sa sarili kong kwarto."YAWAA" saad ko nang nagising ako. Grabe buti hindi na ganun kasakit ang ulo ko.Tinignan ko yung phone ko 7:30 PM palang?.Nakita ko rin yung bag ko at nakauniform pa 'ko.
WAITTT
SI ACE BA NAGHATID SAKIN?
yakkkk iwwwww
Nagbihis na ako ng pajama para bumaba itatanong ko kay mama kung sino naghatid sakin yawa.Alam kong siya pero ayokong maniwalaaa.
"MAMA"saad ko habang pababa sa hagdan at
"WAHHHHHH!" sigaw ko at tinuro siya na nakaupo sa sala."MAMA BA'T ANDITO 'YAN?" tanong ko. Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Hi Angel gising kana pala" saad nya at kung makangiti kala mo sobrang bait pakitang tao.
Nakita ko si mama na lumapit sa lamesa para ilagay ang hawak nyang ulam."Nak, Naman matuto ka ngang magpasalamat sa naghatid sa'yo" saad ni mama.
"Sige iho kumain kana dito" saad ni mama at pinapaupo na si Ace sa upuan."MAMA KASABAY NATIN 'YAN KUMAIN?!" Tanong ko kay mama.
NAKAKAINIS NAMANN.
"Oo nak kaya bumaba kana riyan ay kumain na dito" saad ni mama.Wala akong magawa kun'di tabihan tong gunggong na 'to.
"Wowww adobo Mama sakto talaga 'tong araw na'to" saad ko at kumuha na ng maraming kanin."WOWW YUM YUMM" saad ko at kumuha ng adobo habang siya nakatingin sakin.
"Anak naman iwelcome mo naman ang kaibigan mo" saad ni mama.
"Mama naman anong gagawin ko?" Tanong ko.Kaya tinignan ako ni mama at sumenyas. Haysss ayoko talaga ng may bisita.
"Oh sayo nalang 'tong pinggan ko" saad ko sa kaniya.
"Eto rin ang ulam kumain ka ng marami" saad ko pa at ngumiti ng peke."Yum yum ako naman" saad ko at nagsandok sa pinggan.
WAHHH ANG SARAPP,Nakadami ako ng kanin grabe."Ang sarap po tita" saad ni Ace.
Ba't ang bait mo ngayon gunggong ka.
"Ano kaba iho pwede kang pumunta dito kahit kailan mo gusto" saad naman ni mama at ngumiti at tumango tango ang gunggong na nasa tabi ko.
Habang ako kumakain lang ng kumakain."Oh sandali lang at kukunin ko ang ang juice sa ref" saad ni mama at umalis.
"Ikaw na gunggong ka ikaw ba naghatid sa'kin sa kwarto?" Tanong ko sa kanya ng pabulong. Nagulat ako ng hawakan nya ako sa ulo "Oo natulo na nga laway mo habang natutulog eh" saad nya at tumawa ng mahina kaya siniko ko sya.
"Aray-" hindi nya natuloy ang pag aray nya ng tinakpan ko ang bibig nya."May problema ba?" Tanong ni mama habang nasa kusina.
"Wala ma, Napaso lang si Ace hehe" saad ko habang nasa bibig nya parin ang kamay ko. "Wag ka ngang maingay" saad ko at tinanggal ang kamay ko.
"Oh ito oh, Juice inom ka iho" saad ni mama at nilagyan ng juice ang baso ni Ace."Lah mama bat ako wala?" Saad ko at nag pout.
"Anak may kamay ka naman ah" saad ni mama at ngumiti kay Ace."Mama naman hindi niyo ba ako anak, ako kaya ang anak nyo" saad ko at nag pout uli.
Kaya lumapit sakin si mama."Syempre anak iwewelcome lang natin ang magiging boyfriend mo" bulong ni mama na ikinalaki ng mata ko.
Narinig kong tumawa ng mahina itong katabi ko."MAMA NAMANNNNN!" Sigaw ko at tumawa si mama.
Nakakahiya ka naman Mama.
____________________
"Oh iho uuwi ka na ba?" Tanong ni mama kay Ace habang nasa pinto at ako ay nasa sala at nakaupo. "Opo tita mauna napo ako salamat po ulit" saad nya. "Oh anak hatid mo muna sya sa labas" saad ni mama.
"Mama naman may paa sya" saad ko habang nanonood ng t.v."Anak" saad ni mama.
"Oo ma ito na" tumayo na ako at naglakad palabas.
"Ang saya pala sa bahay niyo dun nalang kaya ako tumira" saad nya sakin habang naglalakad kami. "Subukan mong bumalik susunugin ko bahay mo" pagbabanta ko sa kanya.
"Ang bait kaya ni tita mukhang boto sakin" saad nya at tinuro ang sarili."Makapal lang mukha mo" saad ko at tumingin sa kanya.
"Ayoko sayo" saad ko."Pero gwapong Gwapo" saad nya ng pabulong."Duhhh excuse me ayoko kaya sayo ang pangit mo" saad ko at tumawa sya."Anong nakakatawa" tanong ko.
"Nasisiyahan ka sa paghatid sakin ah" saad nya at namalayan kong anlayo ko na sa bahay."Tse, Nasaan ba yung sidecar mo? Para makauwi kana" saad ko.
"Sige wait pakita ko sayo side car ko" saad nya pa.
Sige nga patingi-
TUT !TUT!
narinig ko ang maingay na bagay na 'yon at umilaw.Madilim na rin kasi kaya hindi ko makita masyado.
"Ayan oh" saad nya at turo sa
WOW ANG GANDA NG SPORT CAR
"Saan mo naman nanakaw yan" tanong ko kunwari walang pake.Magkakaroon din kasi ako nyan next life duh.
"Mukha ba akong magnanakaw sayo?" Saad nya.
"Diyan ka kaya sumakay kanina" saad nya pa.
Talagah? Omai di ko feel."So ang trabaho mo pala is house taker at driver" saad ko at tumingin sa kanya.Mukha namang sa kaniya 'yan.Ang pogi niya tas mukha siyang anak mayaman pero ba't sa school pa namin nag aral.
Nagulat ako ng pitikin nya ang noo ko."Aray ang sakit non ah masakit pa kaya ulo ko" saad ko at inirapan sya."Masiyado ka nang tumititig sakin" saad niya at tumalikod.
"Bye" tuloy pa nito."Bahala ka diyan uwi na ako" saad ko at naglakad na palayo.
Grabe ang bilis magbago ng mood amp masama bang tumingin sa panget niyang mukha?.Habang naglalakad ako dahil malapit na ako sa bahay namin narinig ko ang tunog ng sasakyan mean umalis nasya.
Yeheyyyy
_________________
Papasok na ako sa bahay at sinalubong ako ni mama.
"Anak sino 'yon manliligaw mo?" Tanong ni mama sakin.
"Iwww ma ang panget kaya niya" saad ko at umupo sa sala at tumabi naman sya.
"Ang gwapo nya anak at ang bait pa ang gandang lalake" saad ni mama.
Wow ma mabait nayan sainyo?Sa bagay pakitang tao.
"Halatang anak mayaman" tuloy pa nito.
"Panget ugali non" bulong ko.
"Hindi ah siya nga naghatid sa'yo eh kung ibang lalaki yan hindi kana ibabalik" saad ni mama.
"MAMA NAMAN TINATAKOT NIYOKO" saad ko at tumawa sya.
" Ang ganda kasi ng Anak ko manang mana sa tata-" hindi ko pinatapos ang sasabihin ni mama.
"Ma tulog nako" saad ko at umalis na.Ayokong maging kamukha si papa kahit kailan.
Nakakainis talaga pag binabanggit ni mama si papa.
Ang sakit sa tainga.