CHAPTER 9

1563 Words
"WAHHHHH" habang naglalakad ako may naririnig ako tilian sa basketball Court."Ah mga feeling oppa na feeling pogi na naman ang pinagtitilian nila" bulong ko. "Hoy, Sabi nila may bagong hot guy daw sa court" saad ng isa sa kasama nya at tumili at agad silang tumakbo papunta doon.Wow mga uhaw sa pogi.Basketbolista lang ang gusto yuck kadiri ah ang baduy ng type niyo sis. Ay basketbolista nga pala si Isaac ko,Kahit na.Hindi naman ako tulad nila ang ingay makatili. Dumeretso sa ako sa paglalakad at hindi na sila pinansin. _________________ "WAHHHHHHHHHH" tiling tili ako nang nakita ko si Isaac na nag babasketball. OMGGG ANG HOT NYAAAA.PINAGPAPAWISAN NA SIYA OMGGG! GUSTO KO SIYANG LAPITAN AT PUNASAN WAHHH. "WAHHHHHHHHHHH" todo cheer ako dito sa gilid habang nagbabasketball sya omgg. "Ang ingay naman dito lipat na nga tayo" rinig kong sabi ng katabi ko kaya tinignan ko ang matataray nilang mukha parang clown sa kapal ng make up 'di bagay. Duhh! maingay talaga nakikipag sabayan at nakikipagpalakasan ako sa pagtili 'no, Di nagpapatalo ang Zoe lalo na pagdating kay Isaac. Andaming babae ang nandito sa court at pinanonood ang practice nila sa Basketball. Omgg, Ang hot nyaa ang gwapo talaga ni Isaac. "GO ISAAC!" sobrang lakas kong sigaw mga 99.9 percent na'to dahilan ng pagtahimik nila. "Wahh, Ang awkward ba't kayo tumahimik" bulong ko.Nagtinginan sila sakin lalo na si WAHHHHHH Isaac nakatingin din sakin, Ang ganda ko naman kaya nagwave ako sa kanilang lahat. Bakit Sikat na ba ako? Omg NAKATINGIN SILANG LAHAT SAKIN. kumaway ako sa kanila ng parang wala ng bukas. "HELLO SA INYONG LAHA-" 'di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng "Tabi" saad ng lalaki sa likod ko at nagtilian sila lalo. Kaya humarap ako at nakalimutan kong nakapwesto pala ako sa daanan dito sa court dahil ang pwesto dito ay kita ang labas kaya naman may dalawang malaking hagdanan papunta dito sa second floor kung saan nanonood ang mga manonood. "WAHHHHHHH YAN NA YUNG BAGONG HOT GUY" sigaw ng babae sa gilid."sabi ko, Tabi" ulit pa nito sa seryosong boses aba ang yabang. Wow Ace Choibeta. Sarap mong ibalibag gr. "Girl tumabi kanga" saad ng nasa gilid kaya agad akong tumabi. Wow WOWWW nakakainis hindi man lang ako nakapag angasss!.Nakakawalang gana sinisira talaga ng ungas na 'to ganda ko.Nang tumabi ako nakita ko si Ace na naka jerseys. Oo pogi siya at nakikita ko yung muscles nya wah mas malaki parin muscles ni Isaac 'no, Pero wala akong pake sa kaniya. ISAAC FOREVER. Mukhang mag babasketball din.Andaming babae sa likod nya wow.Kala ko bago palang yan? Ba't sikat na at feeling close pa sa basketball player?.Bida bida talaga tsk lagi nalang paepal sa buhay ko. Nagtilian ang mga babae sa likod niya na sumusunod sa kanya.Ang panget niyan ba't niyo ba 'yan sinusundan.Nakita ko naman si Isaac na nagsisimula nang mag dribol ng bola kaya sa kanya nalang ako fumocus agad niya naman itong hinagis kay Ace at nasalo ito. Habang si Ace naman naglalakad papunta sa kabilang ring at nagsimula ng magdribol ng bola na nasalo niya."Teh, Balita ko may 1v1 sila ni Isaac diba?" Tanong nung isang babae sa gilid sa katabi nya. "Oo teh grabe ang angas siguro ng laban nila yieeee kinikilig na agad ako wala pang laban" saad pa nung isa at tumili.Ano na naman bang pinasok na kayabangan nitong Ace na 'to para awayin bebelabs ko?. Nagsimula nang magdribol ng bola si Ace Choibeta at hinagis niya sa ring sa likod nya ang bola imbis na sa harap at ang nakakamangha nakatalikod pa itong hinagis ang bola. Kayabangan talaga kala mo papasok yan duhh, Pustaha- Nagtilian ang mga babae at boom pasok ang bola na tinira niya ng patalikod. "GOOOOOO ACEEEEEE" tilian ng ibang babaeng bangag. Iw pinakitaan lang kayo nyan ng iksena at kayabangan papadala agad kayo. "GOOOO ISAAC!" Sigaw ko at nakisawsaw ako sa tilian. Woahhhhh, Nagsimula na ang laban na 1v1 pinaalis na ni Isaac ang mga kasama niya. Wow ang hot talaga ni bebelabs koooo omaygashhhh.Tumingin naman ako sandali kay Ace at saktong nagtama ang tingin namin kaya bumalik nalang ako ng tingin kay Isaac. Duh ang panget mo Ace don't look at me.'Di parin kita tinatanggap sa skwelahang ito.Wow ang angas ng galawan ni Isaac omgg kitang kita na ang pawis nya at tumutulo na sa muscles niya. WAHHHHHHHH wala akong magawa kundi tumitig lang kay Isaac ang angas mo bebelabs.Nakakangawit tumayo kaya umupo ko sa gilis malapit sa basketball court dahil don lang ang may bakante. Masasabi kong mas lamang si Ace sa score pero unti lang ang lamang at alam kong kaya niya 'yan. Mababawi ng bebeluvs ko 'yan 'no. Madalas kaming magkatinginan ni Ace pero ayokong tumingin sa kanya nagkukusa lang talaga ang mata ko nakakainis.Boom pasok ang bola. "WAHHHHHHHHHH". tilian ng mga babae.Nakakapagod kaya tumili. Kaya tumayo ako at hinanda ang boses ko para tumili. "WAHHHHHHH GO ISAA-" hindi ko natapos ang sasabihin ko.Nakita ko ang bolang palapit sakin at Nakikita ko na ang aking tadhana. Ang kamatayan. "ARAYYYYYYYYY" ang sakit ng ilong ko pakshettt. Natamaan ng bola. "ARAYYYY ANG SAKIT" saad ko habang nakahawak sa ilong ko. Feeling ko natanggal na ilong ko sa sobrang sakit.Hindi ko alam pero sa sobrang lakas ng pagkatama sumakit ang ulo ko kaya hindi ko maiwasang manghina habang nararamdamang ko ang pagtulo ng dugo sa ilong ko. Pakshet kamatayan ko na.Hindi ko alam na nandilim na ang paningin ko at naramdaman ko pa ang yapak nila at naramdaman ko ang pagbaksak ko sa malambot na braso. Sana si bebelabs ko 'to. Peef peef peef nasa heaven ako~~~ Pahinga muna ako guys Andami ng nangyari ngayon araw grabe ngayon lang ako matutulog ng may sama ng loob kasi ang sakit ng ilong ko. ACE'S P.O.V Sa paglalaro namin hindi sinasadyang maliko ang direksyon ng bola ng kalaban. "ARAYYYYYYYYY" sigaw ng babaeng natamaan kaya agad akong lumingon sa pinanggalingan non at nagulat ako ng tumama ang bola at natamaan ang isang babae. At hindi ko namalayang si Angel pala ang natamaan. Nakita ko ang dugo sa ilong nya kaya agad kong kinuha ang panyo sa bulsa at tumakbo palapit sa kanya. Nahihilo na siya at patumba na kaya agad kong sinalo gamit ang braso ko. Nilagay ang panyo sa ilong nya para hindi umagos lalo ang dugo."Tol ako na ang magdadala sa Clinic" saad ni Isaac. "Nope pre, Ako na hawak ko na eh" saad ko at binuhat na siya. "Tol ako na, ako naman nakatama" saad nyia pa pero hindi ko na sya pinansin.Narinig ko ang bulungan sa gilid. Naramdaman ko ring sinusundan nila ako.Hays, lampa talaga ang babaeng to hindi umilag joke. Tinakbo ko na sya sa Clinic. Habang palapit na kami don hindi ko mapigilang tumingin sa mukha nya. Hays Mukha ng Anghel pag tulog.Masasabi kong Napakaganda nya. Ang mata habang nakapikit parang anghel na tulog at kahit sabog siya 'di parin natatago ang ganda niya, Pero wala na akong panahon dito kailangan ko na siyang madala agad baka maubusan siya ng dugo. ZOE'S P.O.V _____________ Yan na guys didilat na ako at sa pagdilat ng aking mata. Mukha ni bebelabs ang aking makikita ko. 1 2 3 Dilat "Aray ang sakit ng ilong ko" saad ko habang may bulak sa ilong ko.May nararamdaman akong nakaupo sa gilid ko. OMAYYYY SI BEBELABS.Tumingin ako habang nakangiti. Hayss. "WAHHHHHHH BA'T IKAW ANG NANDITO?" sigaw ko habang nakaturo sa kaniya.Nakahiga ako dito sa Clinic kaya tumayo na ak- "Aray ang sakit ng ulo ko" saad ko. Naramdaman kong tumayo siya at inalalayan ako."Bitawan mo nga ako" saad ko. "Ang arte naman" saad na at nagtaray aba, Ang kapal mag taray ah. "Ayoko kaya sayo" saad ko at tinarayan siya."Para kang patay na may bulak sa ilong" saad niya at tumawa.Kaya agad kong tinanggal at tinapon sa trashcan. "BAKITT IKAW ANG NANDITO? NASAAN SI BEBEL- SI ISAAC PALA!" saad ko sa malakas na boses. Nakakainis ba't mukha niya ang nanditooo nakakaasarr."Manahimik kanga palengkera, magpasalamat ka nalang saken" saad niya turo niya sa sarili nya. Pinilit kong tumayo para umalis kase ayoko siyang nandito."AYOKO TALAGA SAYOO" saad ko at pinipilit maglakad. Sa sobrang sakit ng ulo ko. Bumagsak ako pero hindi sa sahig kung hindi. Sa likod nya. Oo nakapasan ako. "Napakatibay mo babae paano ka pa nakakasigaw at nagagalit sa ganitong kalagayan mo" saad nya habang nakapasan ako. "Bakit ba kasi ikaw ang nandito" saad ko ng pabulong dahil malapit lang ako sa tenga nya. At masakit na talaga ang ulo ko. "Kung hindi ako ang pupulot sa'yo doon edi yung janitor ang magdadala sayo dito, So ano mamili ka?" saad nya kaya natawa naman ako."Sige ikaw nalang" bulong ko at nilagay ko na ang kamay ko sa leeg nya para mapasan ako. "Tara na gusto ko nang umuwi" saad ko.Kala ko kaya ko.Ang sakit pala kalaban ang sakit sa ulo. Kaya hindi ko namalayang nakatulog ako habang nakapasan sa kanya. Naramdaman kong tumayo na sya at naglalakad. "So Mr. Choi please tell it to her parents, Need niya ng pahinga masyadong malakas ang pagdugo ng ilong niya kanina it means malakas ang tama ng bola kaya sumasakit ang ulo nya" may narinig akong nagsasalita habang nakapikit ang mata ko. "Thankyou Nurse Claire alis na kami" sagot ni Ace. "Okey goodbye" saad naman ng babae. Hindi rin naman pala masama 'tong ugok na'to. Pasalamat siya nanghihina pa ako aangasan ko 'yan nextday.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD