CHAPTER 8

1276 Words
Habang naglalakad ako pabalik sa Room biglang tumunog ang tiyan ko kaya imbis na bumalik pumunta na ako Canteen. Sorry sa inyo classmate mukhang mauuna ako sa inyo kumain. "LALALA LALA LALALA".Kumakanta ako habang lumulukso. Ang swerte naman ng sahig naririnig ang maganda kong tinig. Nakarating na ako sa canteen at umorder na. Yum yum yum. Sorry classmate ang sarap ng pagkain sa Canteen.Ang totoo lang may nahulog kanina si Ace Choibeta na 500 kaya kinuha ko 'yon. Ang bait ko noh?. Syempre blessing 'yon kaya 'di ko na binalik. 'Di niya 'yon napansin na nahulog kase tinulak ko sya that time. At ngayon Yum Yum Yum. Ililibre ko sila Calyx at Kevin mamaya at dahil swineswerte talaga ako ngayong araw. May nakita akong loner sa gilid dito sa may Canteen.Mukha syang loner at naiyak.Kaya linapitan ko sya. "Hi ako nga pala si Zoe" saad ko ngunit nanatili parin siyang nakaupo. Bingi ba 'to. Iniisnob ang magandang tulad ko?. "Hoy ate girl mamansin ka naman libre kita" saad ko at tumingin sya sakin. Uwu ang Cute nya. Short hair tas ang ganda nya para siyang barbie sa cuteness aba maganda ang mata, Mayroon siyang matangos na ilong at mataba rin ang pisngi like me. "H-hi" saad nya na parang nahihiya."Anong pangalan mo?" Tanong ko at tumabi sa kaniya. "S-sophia Gonzales" saad nya at tumingin na saakin. "Ako naman si Angel Zoe Hernandez just call me Zoe para maangas okey?" Saad ko at inabot ang kamay ko. Ngumiti naman siya at inabot ang kamay niya. Omg ang Cute nya.So kinis ng skin. Not black but morena. Linibre ko sya at nakipag kwentuhan ako. So yun OMG may nakipagkaibigan na rin sakin na babae. "By the way Anong Section ka?" Tanong ko habang kumakain ng cake na tig bente pesos oh diba mura sa Canteen. "A-ah Section B" wow nakakahiya naman section ko. "Eh bat wala ka sa Room niyo hindi pa naman time ng breaktime ah?" Tanong ko. Siguro tinatamad rin sya mag aral like me. "Binubully nila ako kaya umalis ako" saad nya. Ah kaya pala siya umiiyak kanina. "SOBRANG SAMA NAMAN NILA!! HINDI PORQUE MADUNGIS KA, PAYATOT KA AT MADUMI ANG DAMIT MO AT MAITIM KA GAGAWIN NILA SAYO YON!" sigaw ko at napakalampag sa table. Dahil kami lang ang tao dito walang ibang nakarinig.Nagulat ako ng mas umiyak sya lalo. "Bakit Sophia may problema kaba sabihin mo sakin ako baha-" 'di ko natapos ang sasabihin ko ng "Zoe naman, mas masakit pa yung sinasabi mo eh" saad nya."WAHHH SORRY SORRY " saad ko at hinimas sya sa likod para patahanin. "WOAHHH SECTION B NGA 'NO?" sigaw ko ng may maalala ako ng pinapatahan ko sya. "So classmate mo si Isaac Carson?" Tanong ko. "O-oo" saad nya habang humihikbi. OMGGGG MAY ULTRA MEGA SUPER CRUSHH KO CLASSMATE NYAAAAAAAA!"Simula ngayon Best friend na tayo okey?" Saad ko sa kanya at napatulala sya. "Ayaw mo ba?" tanong ko nagulat ako ng bigla nya akong yakapin."Hindi nila ako kinakaibigan kasi tinatakot sila ng nambubully sakin at ngayon salamat sa'yo" saad nya habang yakap yakap ako. Niyakap ko siya pabalik grabe ansarap pala magkaroon ng kaibigang babae."MASAYA AKO" saad ko. "Mamaya papakilala kita sa mga kaibigan ko okey?"saad ko at tumango naman sya.Nagkwentuhan kami at panay ang kain hanggang sa nag kring kring na yung maingay na bell. "Oy Zoe andito kana pala" nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko habang nasa Canteen."Oh Kevin" saad ko dahil si Kevin pala ang nasa likod ko. "Libre mo kami hindi ba?" Tanong nya. Ah eh oo nga pala Chinat ko sila kanina at ngayon yung pera ubos na kase kanina pa kami nagkwekwentuhan ni Sophia."It's a prank lang yun" saad ko at nag piece sign. Kaya nagseryosong mukha si Kevin at si Calyx na nasa likod nya may tinatawagan "Okey babe" yun lang ang narinig ko kay Calyx a binaba nya na ang cellphone niya at lumapit na sa amin. (akala nyo si Calyx yung ka love triangle noh? Kala ko ren) "HOY OO NGA PALA MAY PAPAKILALA AKO SA INYO" Saad ko at tinuro ang katabi ko "Eto nga pala si Sophi-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng "NASAAN NA SYA?" tanong ko."Ano bang sinasabi mo? Magisa kalang kaya dyan nung dumating kami" saad ni Kevin . "OMGGGGG MULTO BA YUNG NILIBRE KO?" omay sayang yung pera kung multo sya."Nababaliw ka na naman ba Zoe" saad ni Calyx. "HINDI AHH TOTOO KAYA NANDITO LANG SYA" Saad ko at pinagtawanan lang nila ako."by the way ipapakilala ko na 'yyng girlfriend ko ngayon galing siya sa Section B" saad ni Calyx at mukhang masaya. "Huh section B? Taga dun din si Sophia" pabulong kong saad."Naku pare nakakatawa naman ipapakilala mo na, Sige iwan ko muna kayo oorder lang ako" saad ni Kevin at umalis.Kaya lumapit ako kay Calyx. "Calyx" saad ko. "Oh" sagot niya. "Ibig sabihin classmate ng girfriend mo yung Crush ko?" Tanong ko sa kanya."HAHAHAH wait ikwekwento ko sayo upo tayo" saad nya at umupo kami. "Ang totoo kaka stalk natin sa crush mo at pasilip silip natin sa Section B may nagustuhan 'din ako kaya niligawan ko siya at naging kami, Ang punto ko sabay tayong nagka crush in same section pero ang pinagkaiba yung crush ko naging kami na" saad nya. "PINAGMAMAYABANG MO BANG NAGING KAYO NG CRUSH MO!" sigaw ko kaya napatingin ang mga ibang istyudante sa amin.Kaya hinila ako ni Calyx para umupo. "Chill kalang ang ingay mo talaga, by the way kailan mo ba balak mag pakilala kay Isaac?" Tanong ni Calyx saakin."Ewan nahihiya ako" saad ko at lumumbaba. "Edi maaagaw na sayo yon ng iba saka kailan kaba nahiya?" Tanong nya.Kaya binatukan ko sya. "May limitasyon rin kasi ang pagiging maangas ko" saad ko sa kanya tumawa naman sya. "Sa tingin mo ba mapapansin niya ako? O magugustuhan man lang?" Tanong ko habang nakaharap sa table at nakalumbaba. "Siguro, kung mag aaral ka ng mabuti" saad niya at pak."Aray pre nakailang batok kana" saad nya habang hinihimas ang batok niya. "Ayan na pala siya" saad ni Calyx kaya tumingin ako sa likod at Wow ang Ganda naman ng girlfriend ng tropa ko. like mukhang yayamanin saka mukhang magaling magdala ng damit wah model?. "Hi" saad ko at kumaway sa kanya ay tinarayan nya ko. Hah? Tinarayan nya ako????. "Ah Andrea this is my bestfriend, Zoe" pag papakilala nya at nakapamewang lang si Andrea. "So?" saad nya napakamot ng ulo si Calyx. Wow uupakan ko 'to kung hindi lang sya girlfriend ng bestfriend ko. "Sasabay tayo sa kanya kumain?" tanong ni Andrea kay Calyx. "Pwede ba?" Tanong ni Calyx habang ako nakatayo lang sa harapan nila."Hindi naman ako nangagagat eh" saad ko at wow tinarayan nya lang ako. Ang arte talaga ng magaganda dito. Sure kaba Calyx yan na yon?."Duh ayoko, let's find another sit" maarte nya saad at naglakad na patalikod. "Okey babe" saad ni Calyx. Aba public school lang 'to kala mo kung sinong yayamanin. "Pre pano bayan iwan ko muna kayo" saad ni Calyx at tumango naman ako.Hays ganyan ba kapag may Girlfriend na? Duh napakaarte. May pa duh duh pa kala mo napakayaman tss nakakainis angasan ko sya eh.Bumalik ako sa pagkakaupo at sakto naman nandito na si Kevin. "Pre" tawag nya sakin."Bakit" saad ko habang nakalumbaba. "Ang ganda ng napili ni Calyx 'no?" Tanong sakin ni Kevin aba nakita niya pala iyon. "Ang arte naman" bulong ko at umalis."Hoy pre iiwan moko dito?" Tanong nya."Tapos na ako kumain aalis na ako" saad ko at naglakad paalis. Ang maldita Pano nagustuhan ni Calyx yon?. Iw Baka nga isa yung sa bumubully kay Sophia. Wait? Oo nga si Sophia pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD