ZOE'S P.O.V Mag iisang linggo nang hindi gumigising si mama. Hindi ko narin maramdaman ang presensiya ni Ace. Isang linggo na akong nagdudusa. Nandito lang ako sa kwarto ni mama buong araw. Isang linggo na at ngayon si mama ay tulog parin. Isang linggo na akong umiiyak. Lagi akong kinakausap nila Kevin ngunit ni isang salita. Wala akong boses at lakas. Nasa tabi lang ako ni mama. Iniwan na kami ni papa kaya hindi ako papayag na iwan ako ni mama. Dito lang ako sa tabi ni mama. Kahit wala akong malabas na boses. Dito lang ako. Mainit na luha ang pumapatak sa pisngi ko araw araw. Pang pitong araw na. Kailan ka magigising mama. Hawak ko ang kamay ni mama. Kung mawawala kapa mama hindi ko na kakayaning sumaya. Nakaupo ako ngayon sa upuan ma katabi ni mama at nakahiga sa kaniya. Naaa

