Agad dinala si mama sa ICU agad naman akong sumunod habang umiiyak. Hindi ko napansin sila Calyx at Kevin dahil sa pagaalala. Sumunod ako hanggang sa makapasok na sila at pinagbawalan na ako ng mga nurse na pumasok. "Hanggang dito po muna kayo miss" saad ng isang nurse at sinara ang pinto. Agad naman ako umiyak at napaupo nalang at hindi mapakali. Bakit ba nangyayare saken to. Kung may mangyare man kay mama hindi ko na alam kung nasa katinuan paba ako. Bakit hindi nalang saken nangyare 'to. Ano ba kaseng kasalanan ko. "Zoe tahan na okey? 'di rin gusto ng mama mo ang nangyayare pero mas hindi niya gustong umiiyak ka" saad saken ni Kevin at hinawakan ang likod ko. "Oo nga Zoe diba sabi ni tita ayaw niya ng malungkot ka" saad ni Calyx. "Nagaalala rin kami pero dapat hindi tayo magisip

