Kinagabihan agad akong nagpunta sa bahay niya at sarado iyon halatang wala ring tao at patay ang ilaw. Grr Ace nasan kaba. Bakit ba pinagiisip moko ng ganito. Bakit hindi ko napansin sa una palang na may kakaiba na. Naghintay lang ako dito at nagbabakasakaling dito siya pumunta mga kalahating oras 'din ako nagintay at nang may pumunta sa aking babaeng matanda. Nakaupo kase ako sa gilid ng gate kaya baka napagkamalan akong pulubi. "Ineng wala nang tao diyan isang buwan narin" saad niya. "Ha? Ano po lola? Yung nagiisa pong lalake na nakatira sa magandang bahay nato?" Sunod sunod kong tanong at tumayo. "Oo apo hindi na siya nauwi diyan, sa tuwing naglilinis ako ng bakuran ko ay nakikita ko po siya non ngunit ngagon iha hindi na" saad pa ng lola. "Ah sige po lola salamat po" saad ko at pin

