Mga ilang linggo narin ang nakalipas 'di ko narin siya nakita sa skwelahan na 'to. Siguro ay lumipat na siya ng School. Hindi ko talaga siya maintindihan bakit kailangan niyang umalis ngunit unti unti narin akong nasasanay. Wala narin akong balita sa kaniya mula non lalo na kay Ravier na madalang ko lang makita. Bumabalik narin sa dati ang lahat, si mama bumubuti narin siya sabi ng Doctor kaya masaya ako ngunit di parin siya nagigising. Naisip ko nung umalis si Ace siguro dahil sandali lang siyang pumasok sa buhay ko para mangulo. Biro lang. Nagulat nga sila Kevin pati ang mga Guro ko kase pinagbubutihan ko na magaral. Nung una ay nahirapan ako pero pag naiisip ko si mama nagkakaroon ako ng inspirasyon magsumikap. Maggagraduate narin kase ako kaya pinagmamabutihan ko. Madami naring n

