Pagkatapos ng araw na iyon, tahimik lagi si Harold at madalas ko na ring nakikita si Lee na dumadalaw sa bahay. Minsan ay si Richmoon o di kaya ang akalde. Alam kong may itinatago sila sa akin kasi kapag lumalapit ako sa kanila ay natatahimik sila bigla. Kahit si Mr. Shein ay tahimik lang kapag magkatabi kami. Halatang may pino-problema. Kung tatanungin ko naman siya anong problema, sasabihin niya ay tungkol sa work. Tahimik lang akong nagmamasasid sa kanila sa loob ng dalawang linggo. Ngayon nga ay pupunta kami sa inay dahil sasabihin namin kay Dave iyong tungkol sa scholarship. Nauna ako sa sasakyan at hinihintay ko si Harold na makasakay. Nakita ko siyang papalabas ng bahay. Nagtama ang paningin namin. Ngumiti ako ngunit agad na nawala nang makita ang lungkot sa mga mata niya. Pagpas

