Kinabukasan, nang buksan ni Lorelay ang kaniyang mga mata ay wala na si Mr. Shein sa tabi niya. Natulala pa siya ng ilang minuto nang marealize na nakatulog siya. “Hala! Nakatulog ako?” hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Pinalo niya ang sarili niya sa kagagahan na nagawa niya. “Sabi mo hindi ka matutulog dahil titignan mo pa mukha niya? So ano ‘to? Bakit nauna pa siyang nagising sa ‘yo?” kastigo niya sa sarili. Tinignan niya ang sarili at nakitang nakasuot na siya ng damit. Tumayo siya at napa-aray nang maramdaman ang sakit sa gitnang bahagi ng hita niya. Pagkababa niya ay nakita niya si Harold na humihikab. Pinagkrus niya ang kamay niya at pinagsingkitan ng mata ito. “Pagod yata,” mahinang aniya sa sarili. “Malamang, hindi ka tinantanan e.” Sagot rin niya. Napaatras si Lorelay

