Kinabukasan, ay nakita ko si Harold na nasa sala. Nakasimangot ang mukha niya habang may hawak na papel. Bumaba ang mata ko sa hawak hawak niya. "I'm hungry," napaawang ang labi ko sa nakasulat. Pagkatapos niyang maging bastos kahapon ay maggaganiyan siya? Aba! Ibinaba ko si Oprah at agad siyang tumakbo paikot ikot sa malaking bahay ni Mr. Shein. Speaking of, hindi ko na naman siya naabutan pagkagising. "Maghintay ka diyan. Napuyat ako kagabi." Sabi ko sa kaniya at totoo naman dahil dinadaldal ako ng asawa ko kagabi. Late na yata kami nakatulog. Nang balingan ko siya nang tingin ay nakita ko ang kakaibang ngiti niya. "Anong iniisip mo?" 'I'm not thinking of anything bad.' Sulat niya. Pinagsingkitan ko siya ng mata. Bakit pakiramdam ko ay nagsisinungalong siya? "Anong gusto mo?" Bi

