Naging awkward ang pagitan sa amin dalawa. Pagkatapos ng nangyari kanina ay nanood lang ako ng palabas sa TV. Nasa katabi siyang upuan. Tila ay pinapakiramdaman namin ang isa't-isa. Gusto ko ng mag gabi. Gusto ko nang pumasok sa kwarto ni Mr. Shein at siya lang ang dadaldalin ko buong magdamag. Hindi ko alam kung bakit humantong kami sa point na niyayakap niya 'ko. Wala rin akong ka ideya ideya kanina. Nadala ako sa emosyon ko. Ito kasing luha ko. Oras na napuno ako sa kaloob-looban ay basta nalang ako naiiyak kahit sobrang babaw naman ng dahilan. Nakakinis talaga. Nakita kong tumayo siya. Sinundan ko siya nang tingin. Mukhang palabas siya ng bahay. Iiwan ba niya ako? Huwag naman sana. Takot talaga akong maiwan mag-isa. Tatayo na sana ako para sundan siya nang bigla siyang bumalik

