-Back to the present- Unang-una, nawala ang itay sa amin. Sunod ang inay at ngayon ay hindi namin alam kung sino ang may gawa sa kaniya nito. Ngunit may naiwang gamit na hindi amin sa pinangyarihan ng aksidente kaya hinala ng pulisya ay pinatay ang inay sa hindi pa nakikilalang suspek. “Ate, kumain ka na muna.” Napatingin ako kay Dave, ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya. Kusa nalang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na wala na ang inay kasi parang kamakailan lang ay nakangiti pa ito sa amin. Kamakailan lang ay nakikipagtawanan pa siya sa amin. Kamakailan lang ay kasama pa namin siya. Gusto kong magwala. Dalawang araw nalang ang libing niya. Hindi na namin siya makikita, hindi na namin siya makakasama. “Wala akong gana e,” sabi ko sa kaniya. Makikita ang pag-aala

