“So Lor, where’s your husband?” napatingin ako kay Edmund when he asked that. Kasalukuyan naming nilalabhan ang mga kurtina na ginamit sa burol ng inay. Napabuntong hininga ako kasi until now ay hindi ko alam kung nasaan siya at hindi ko pa nakikita si Mr. Shein. “Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Ewan ko! Ang dami kong iniisip ngayon.” Wala sa sariling nasabi ko. Masiyadong pagod ang utak ko at hindi ko na alam kung anong uunahin. “ I hope you wouldn’t mind, hindi ba nagpanggap siyang Harold noon?” tumigil ako sandali sa ginagawa ko at napatingin kay Edmund. “What is it you trying to imply?” “I’m just curious kung anong paliwanag niya sa ‘yo. Ano bang sinabi niya why he pretended as your bodyguard before and not as your husband?” natahimik ako. Wala akong naisagot dahil walang sin

