"Pero alam mo, wala naman talaga akong ibang hinihiling sa Diyos kung hindi makasama ulit namin si Papa, at siyempre, magkaroon ako ng stable job para matulungan ko sila," bahagi nito. She's really a good daughter! Ako kaya, kumusta? Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko, at kung sakali mang may gusto ako, hindi na iyon matutupad. "Ako, hindi ko alam," tugon niya. "Paanong hindi? Sabagay, wala ka namang ibang hahangarin pa, eh. Mayaman ka at nandiyan lagi ang mommy at daddy mo sa tabi mo," muling tanong nito. "Hmm. Hindi na magiging maayos ang pamilya ko. Lagi na lang silang nakatutok sa kompanya at nakaraang nangyari," kuwento niya. "Magiging maayos pa ang lahat. Magpakumbaba ka na lang, ikaw na lang ang mag-adjust, since ikaw naman siguro ang nakakaintindi. Intindihin mo n

