"Salamat sa paghatid. Sana makatulog ka sa pinaggagagawa mo!" paalam niya rito. Hindi pa rin siya maka-get over sa pang-aasar nito sa kaniya. "Okay. Siyempre naman." Nginisihan pa siya nito. "Umalis ka na nga!" hiyaw niya rito. Tiningnan lang siya nito at pinaharurot na nito ang kotse paalis. Hays, sana tulog na sila mama. Kawawa naman sila, kung hinihintay pa nila ako. Nang makarating na siya sa tapat ng kanilang bahay ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Pagbukas niya ay nakita niya na nakatulog ang kaniyang ina habang nakaupo sa kahihintay sa kaniya. Bigla siyang naawa rito. "Mama?" tawag niya rito at nilapitan. "Mama, nandito na po ako," sambit niya. "Hmm. O, 'nak, bakit ngayon ka lang? Hatinggabi na, ah," pakli nito. "Mama naman. 'Di ba sabi ko sainyo, 'wag na 'w

