"Goodnight, mahal ko. Mag-iingat ka, ha? Hmm. Ihatid na kita papasok sa inyo," wika ng binata. "Hmp. 'Wag na mahal ko, kaya ko namang mag-isa, e," tanggi nito sa kaniya. "Bababa na ako, ha? Salamat sa paghatid mo sa 'kin, mag-iingat ka sa pagmamaneho mo," dagdag pa nito at napapitlag siya nang bigla siyang hinalikan nito sa labi. Nang akmang tatalikod na si Yoona ay bigla niyang hinatak ang braso nito kaya muuli itong napaharap sa kaniya. Gusto niyang samantalahin ang pagkakataong iyon kaya bigla niya itong hinalikan. Ang bawat tugon ng halik nila sa isa't isa ay may kung anong kuryenteng nagpabuhay at nagpatigas sa kaniyang p*********i. Bigla niyang pinutol ang kanilang halikan dahil baka hindi siya makapagpigil sa tawag ng kaniyang laman at damdamin. "I love you so much, mahal ko," wik

