Nang makababa na siya ng ground floor ay nakita niyang nakaupo sa lobby ang kaniyang girlfriend. Akala niya ay umuwi na ito pero hinintay pa pala siya nito. "O, bakit nandito ka pa? Akala ko ba uuwi ka na kasi dadaanan mo pa ang mama mo at kapatid mo," bungad niya rito. Pinakawalan nito ang isang matamis na ngiti, "Nauna na silang umuwi, hinitay talaga kita para naman makasama kita," wika nito. Ngiti pa lang ni Yoona ay parang gumaan na ang pakiramdam niya. "Ah, let's go!" yaya niya at nginitian niya ito. Maliban sa kaniyang lola ay wala nang iba pang nagpapasaya sa kaniya kung hindi ang magandang babaeng kasama niya. Nang makasakay na silang pareho ay bumaba sila sa kanilang favorite place. "Hays, na-miss ko ang street food dito," wika nito. Simula nang dinala siya doon ni Yoona ay na

