"Good morning, Ma'am! Good morning, Sir!" bati ng informant, nang pumasok ito sa opisina. Dimiretso ito patungo sa kinaroroonan ni Lune Bleue. "Maupo ka dahil madami tayong pag-uusapan tungkol sa nadiskubre mo," wika ni Lune Bleue rito. Umupo naman ang kaniyang informant sa silyang nasa harapan ng kaniyang table. "Ngayon, paano mo nasabing siya iyon?" takang tanong niya. "Nang isang araw po kasi ay pumunta ako sa IT room ng kompaniya pong ito at ipinakita ko po ang cctv footage. Tinanong ko kung may tao bang pumapasok dito sa kompaniya na nagsusuot ng hoodie. Ang sabi po ng IT ay si Tyler lang daw ang nakikita niyang nagsusuot no'n dahil minsan niya rin daw iyon na nakasabay sa pagpasok ng opisina," kuwento nito. "At alam ko pong mabibigla kayo kapag nalaman ninyong si Tyler ay inform

