"Hindi lahat ng sinabi ko ay totoo, maliban sa pagkakaroon ko ng girlfriend. I'm with my girlfriend nang sinundan ko 'yong pinagdududahan naming k-um-idnap kay Kylie. She saved me, she saved my life. Hindi ko pinalabas sa publiko na nabaril ang aking girlfriend dahil ginawa niyang panangga ang kaniyang katawan sa bala na dapat ay sa katawan ko bumaon," paliwanag niya. "Kasama mo siya? Bakit kasi hindi mo pa ipakilala sa 'min ang girlfriend mo?" wika ng kaniyang ama. "Kapag magaling na siya, ipapakilala ko siya sa inyo," tugon niya. Hindi siya naniniwalang hindi kilala ng kaniyang ama at ina, kung sino ang kaniyang girlfriend. "Oo nga naman, Hijo. We're so excited to meet your girlfriend," sambit naman ng kaniyang ina. Hindi pa rin siya naniniwala na nagbago ang kaniyang ama't ina, sa t

