Biglang lumapit si Lune Bleue sa matandang pumasok sa opisina. It's his Lola! "Lolaaa!" Bigla niya itong niyakap ng mahigpit. Kasama nito ang personal assistant. "I miss you, my Lune Bleue!" sambit nito sa apo at tinatapik-tapik nito ang balikat. "I miss you too, Lola," tugon nito. "Hello po, Good morning!" bati ni Yoona rito at nginitian niya ito. Nilingon naman siya ng matanda at nginitian. "You are so pretty, Hija. Are you the secretary of my precious grandson?" tanong nito sa kaniya. "Thank you, Ma'am. Yes po, secretary po ako ni Sir Lune," tugon niya rito. Ngayon, alam ko na kung sino siya. Siya 'yong babaeng nakausap ko sa telepono. Siya rin 'yong babaeng gumawa ng paraan para itigil ang pinaplano ng mga magulang ni Lune Bleue at ni Mr. Yap. Sobrang ganda niya at napakabata pa

