Nakaupo si Lune Bleue katabi ng kaniyang Lola. May family dinner sila kaya kasama din ang mga magulang ng binata. "Alam ninyo, hindi ninyo naman kailangang i-push ang apo ko na ipakasal sa anak ng ka-socio natin sa company. I want my grandson to live freely, 'wag ninyo na siyang itulad sa ibang mayayaman na ipinagkakasundo ang anak para lang sa pera, para lang sa company and mali 'yon. 'Wag ninyong iikot ang buhay ninyo sa company, tularan ninyo kami ng ama ninyo. Naitayo namin ang kompanya na wala kaming naaapektuhang ibang tao. As long as na kumikita ang kompanya, makontento na kayo dahil lalago pa rin ang kompanya kahit pakonti-konti. Don't use someone para lang sa kung anong bagay," sabi ng lola ng binata. "Mom, we're very sorry," sambit ng ina ni Lune Bleue. "Ako rin, Mom. I'm sorr

