Tulog na ang ina at kapatid niya ng umuwi siya. Mabuti na nga lang at naisip ng mga ito na 'wag na siyang hintayin. Hindi naman siya nalasing dahil konti lang ang ininom niya at kadalasan ay si Lune Bleue ang tumatagay ng tagay na para sa kaniya. Hindi pa rin mawala ang kiligabels na nararamdaman niya. Nagulat kasi siya nang bigla siyang hinalikan sa lips ng kaniyang boyfriend bago siya bumaba ng kotse. Kakaiba ang dating noon sa kaniya, kaya parang teenager siyang kinikilig dahil sa halik ng kaniyang napakamistisong boyfriend. "GOOD morning, sunshine!" wika niya nang sumilip na sa bintana ang rays ng sun mula sa labas. Bumangon na siya upang mag-almusal. Hays, sayang! Nag-date sana kami ngayon ni Lune Bleue, kung wala lang talaga silang bonding ng family niya. Huminga siya ng malalim

