"I will miss you, mahal ko," wika ng binata kay Yoona. "Me too, mahal ko. Mag-enjoy ka lang bukas with your family, ha? I love you always, my Lune Bleue." "Hmm. I love you so much, mahal ko," tugon nito. Bigla nitong inilapit ang mukha sa kaniya at hinalikan siya sa lips. "Mag-iingat ka sa daan," dagdag pa nito. "Oo, mahal ko," wika niya at tinanggal niya ang seatbelt at iniwanan ng matamis na ngiti ang binata. "Goodnight!" paalam niya. "Goodnight too!" Hanggang sa makababa ang dalaga ng kotse ay hindi maalis-alis ang tingin niya rito. Kinawayan pa siya nito. Sinundan niya ng tingin si Yoona hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Mahal na mahal niya ang kaniyang girlfriend. Kung puwede nga lang na pakasalan niya na ito para hindi na ito makawala pa ay ginawa niya na sana. Ngunit,

