Habang magkayakap silang dalawa ay biglang naisip ng dalaga ni Yoona na bakit kaya ginagawa ito sa kaniya ng kaniyang boss? Inalis niya ang kaniyang pagkakayakap mula rito at itinulak niya ito kaya napaatras ito. "Sir, hindi puwede ito! Iba na lang ang yakapin mo," bulalas niya rito. "Ano bang nangyayari sa 'yo? It's just a hug," tugon nito sa kaniya. "Just a hug? Sir, narito ako para magtrabaho, hindi para yakapin ka o kung ano pa man," sambit niya. "That's part of your job," sambit nito. "Whether you like it or not, kailangang yakapin mo ako," dagdag pa nito. Napangiwi siya dahil sa sinabi nito. Hindi na lang siya umimik. Dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang puwesto dahil hindi niya pa talaga kayang tumayo ng matagal. Siraulo siguro ito? Paano na lang kung sa susunod hindi lang

