Maagang pumunta ng opisina ang dalaga. Medyo nahihilo pa rin siya pero pinilit niya na ang kaniyang sariling pumasok ng trabaho. Iniisip niya kasi na baka tanggalin siya ng kaniyang boss. Mas lalo pa siyang nanghina dahil naglakad pa siya mula sa kanilang patungong kompanya. Nagtaka siya kung bakit parang hindi nadagdagan 'yong mga papeles niya sa ibabaw ng kaniyang table. Pumasok ba si Sir kahapon? Baka nag-absent din siya kasi hindi man lang nadagdagan 'yong gawain ko. Sana nga wala rin siya kahapon dahil kung hindi, naku, patay ako dahil hindi ko man na-inform ang HR o kahit siya. Aniya sa kaniyang sarili. Nagulat siya nang biglang pumasok ng opisina ang kaniyang boss, mukhang badtrip ito. Bigla siyang tumayo upang batiin ito. "Good morning, Sir!" bati niya rito. Napahinto sa harapa

