Hindi alam ng binata kung ano ang gagawin. Kung magkataong hindi mahanap kung nasaan si Kylie ay isang malaking issue iyon, lalo pa't kasama si Lune Bleue nang gabing nag-inuman sila sa pub. "Si Tyler ba pumasok?" tanong niya sa dalaga. Hindi puwedeng mangyari ito. Malaking issue ito at siguradong pati ako at ang kompaniyang ito sa masasangkot rito. Kailangan kong gawan ng paraan ito bago pa malaman nila Mom at Dad. Saan kaya napunta ang babaeng iyon? At sino ang lalaking sumundo sa kaniya? Gulong-gulo ang kaniyang isip. Kailangan niyang gawan ng paraan ang pagkawalang ito ni Kylie sa lalong madaling panahon. "Oo, pumasok siya," wika ni Yoona habang hindi rin mapalagay sa nangyayari. "Mabuti naman kung gano'n," sambit niya. "Huminahon ka, mahal ko. Sige, pupunta lang ako sa kabilang

