"Good morning, mahal ko!" bungad ni Lune Bleue sa dalaga at may pahalik pa ito sa pisngi. "Good morning din, mahal ko. Kumusta, nag-enjoy ka ba kahapon?" tanong niya rito. "Yes, nag-enjoy ako ng sobra, mahal ko," wika nito, na halata naman talaga sa mga mata nito na nag-enjoy kasama ang family. "Ikaw, how's your Sunday? Hindi ka ba nagsimba o kaya lumabas kasama ng pamilya mo?" pakli nito. "Ahh, pumunta kami sa kulungan, dinalaw namin si Papa," tugon niya, kahit ang totoo ay siya lamang ang bumisita roon. Naisip niya ang alok sa kaniya ng kaniyang boyfriend na tutulungan nito ang kaniyang ama para makalaya. "Kumusta naman ang Papa mo?" tanong nito. "Hmm. Okay lang naman siya," tugon niya. "Tatanggapin mo na ba ang alok ko na tulungan ang Papa mo para makalabas ng kulungan?" Seryo

