Chapter 5

1225 Words
"I'm with your Mom," pabulong na sambit ni Lune Bleue. Pagkapasok ng binata ay kasunod nito ang ina ng dalaga. "Mama? Bakit po kasama ninyo pa siya?" tanong niya. "Gusto ko lang malaman kung ano nangyari at bakit karga-karga ka ng lalaking ito kanina? Nakita ko kayo dahil naroon ako sa tindahan. Gusto ko lang malinawan," pahayag ng kaniyang ina. "Tuloy ka, Hijo. Maupo ka," sambit nito. Umupo naman si Lune Bleue sa upuang nasa tabi ng talaga. Iniikot-ikot nito ang paningin. Sa isip niya'y hindi niya kayang mabuhay sa ganoong kaliit na bahay, palibhasa'y lumaki siyang mayaman at nakatira sa isang mansion at may condo pa siya. Umupo naman sa harap nila ang mama ng dalaga. "Ganito po kasi 'yon, Mama. Nabangga niya po ako kaya nga po kinarga niya ako papunta rito kasi hindi pa ako nakakapaglakad ng maayos," kuwento ng dalaga. "Nabangga ka?!" hiyaw ng kaniyang ina at tiningnan nito ang binata sa mga mata. "Don't you worry po, dinala ko na siya sa hospital at pahinga lang po ang kailangan niya," pakli ng binata at yumuko ito dahil parang naiilang siya sa tingin ng ina ng dalaga. "Mama, binigyan niya pa nga po ako ng trabaho bilang sekretarya niya," sambit nito. "Sekretarya niya? Magiging boss mo siya?" tanong ng kaniyang mama at napakunot-noo ito. "Opo, Mama. Kaya pakiusap, baka magbago pa ang isip niyan," pabulong na pakli ng dalaga. Tumango naman ang kaniyang ina. "Hijo, pasensiya ka na kung pinapunta pa kita rito, ha? Alam mo naman, bilang isang ina ni Yoona kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari. Nakita ko pa naman na karga mo pa siya kanina," pahayag nito sa binata. "That's okay, Ma'am. Puwede na po ba akong umalis?" tanong ng binata na parang kanina pang naiinip at gustong-gusto na talagang umalis. "Oo, Hijo. Salamat ha? Mag-iingat ka," nakangiting sambit nito. Tumayo na ang binata mula sa pagkakaupo, ngunit bigla sumama ang kaniyang tiyan at parang tinatawag siya ng kalikasan. Gusto niya na sanang umalis na lang at sa condo na dumumi pero mukhang hindi niya kakayanin. "Puwede po ba akong makigamit ng comfort room?" tanong ng binata habang pinipigilang lumabas ang kaniyang sama ng loob na kanina pang gustong kumawala. "Sige Hijo, pero walang tubig ngayon, eh. Mamaya pa raw babalik," sambit ng ina ng dalaga. "Po? Tissue po, mayroon kayo?" tanong ng binata. Tinupok niya ang kaniyang tingin sa dalaga at sinamaan niya ito ng tingin. Hindi naman maipinta ang mukha ng dalaga dahil alam niyang billionaire ang binata at hindi sanay sa ganoong klase ng sitwasyon. "Wala din, Hijo. May tela ritong piniraso, heto. May plastic rin dito," sambit ng ina ng dalaga sabay abot ng tela at plastic sa binata. Napayuko at napatakip na lang ng mukha ang dalaga. "Para saan po ito?" tanong ng binata. "Ang tela, pampunas sa puwet at ang plastic naman, diyan mo ilalabas ang sama ng loob mo," pahayag ng ina ng dalaga. Nakakahiya pero wala silang magagawa lalo pa't wala silang tubig na naimbak, kahit konti. "What?!" bigla nagulat ang binata sa narinig at nanlaki ang mga mata nito. "Pasensiya ka na, Hijo," sambit ng ina ng dalaga. Labag man sa loob ng binata ang mangyayari pero kinuha niya pa rin 'yong tela at plastic. Dumiretso agad siya sa banyo, dahil hindi niya na kayang pigilan pang lumabas ang kaniyang hinaing. Napabuntong-hininga siya sa loob ng comfort room. First time niyang maranasan ito. Dahan-dahan niyang inilapag 'yong plastic at doon siya naglabas ng hinaing. "This is really disgusting!" mahinang sambit niya. Naiirita siya ng sobra. Parang gusto niyang isumpa na nabangga niya si Yoona. Hindi niya akalaing mamalasin siya ng buong araw. Bwiset! Bakit ko pa kasi nabangga ang babaeng 'yon? Hindi ko makakalimutan ito. Humanda siya dahil pagbabayaran niya ang kamalasang ibinigay niya sa 'kin ngayong araw. Paano kaya sila nabubuhay sa ganito? Hindi ko kaya ito! Ani niya sa kaniyang isip. Kulang na lang talaga ay isumpa niya ang dalaga. Nang mailabas niya na ang kaniyang hinaing ay dahan-dahan niyang pinunasan ng tela ang kaniyang puwet na may pandidiri sa reaction ng kaniyang mukha. Nang matapos iyon ay inilagay niya 'yong tela sa loob ng plastic at pagkatapos ay kinuha niya 'yong plastic at binuksan ang pinto. Nakita niya ang mukha ni Yoona na nakatingin sa kaniya. Sinamaan niya ito ng tingin. "Saan ko ba ito ilalagay?!" galit na turan niya. "Diyan mo na lang sa trashcan sa loob ng banyo," tugon ng dalaga. Bigla namang hinulog ng binata iyong plastic sa loob ng trashcan. Nang tuluyan na siyang makalabas sa banyo ay lumapit siya sa dalaga ay sinamaan niya ito ng tingin. "Pagsisisihan mo ang lahat ng ito!" mahinang turan nito sa dalaga. Mabuti na lang ay wala ang ina ng dalaga dahil lumabas ito ng bahay. "Sorry, hindi ko sinasadya. Pasensiya ka na rin dahil hindi kami mayaman, hindi uso sa 'min ang tissue at nawalan pa ng tubig," sambit ng dalaga habang hindi maipinta ang reaksyon ng mukha nito. "Hays, this is really my unlucky day! Sana pala hindi na kita hinatid rito, iniwan na lang sana kita sa hospital!" pakli ng binata sa dalaga. Huminga ito ng malalim at dire-diretsong lumabas ng bahay. Mabilis siyang naglakad patungong kotse. May mga tao na namang nakatingin sa kaniya. "Ang baho naman!" sabi ng babaeng nadaanan niya. Napakunot-noo naman siya. Tiningnan niya ang kamay niya and s**t! May tae ang kaniyang kamay kaya mas lalong umusok sa galit ang kaniyang tainga. Nang makarating siya sa kaniyang kotse ay dire-diretso niyang dinampot ang tissue at naglagay din siya ng alcohol. Pinaharurot niya ang kaniyang kotse patungo sa kaniyang condo. Gusto niyang maligo, nang mahimasmasan siya sa nangyaring kamalasan sa kaniya sa buong araw. Kaya talagang ayaw na ayaw niya rito sa Pilipinas, kung hindi lang dahil sa mga magulang niya ay talagang babalik siya ng France sa lalong madaling panahon. HINDI maalis sa isip ng dalaga ang nangyari ngayong araw. Nag-aalala siya sa kaniyang magiging boss na si Lune Bleue. Hiyang-hiya siya sa binata ng sobra. "Oh, 'nak? Ano ang iniisip mo? Nasaan na pala 'yong boss mo?" bulalas ng kaniyang ina nang pumasok ito sa loob ng bahay. "Mama, nakakahiya talaga! Billionaire po 'yon tapos pinagamit lang natin ng tela at plastic," sambit ng dalaga. "May tubig na 'nak. Kaya puwede na siyang magbawas sa toilet, nasa loob pa ba siya ng banyo?" tanong nito. "Mama, umalis na po siya. Bakit kasi nawalan ng tubig? Nakakahiya talaga, Mama. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya sa Lunes," sambit ng dalaga. "Lunes? Bakit? Papasok ka na ng Lunes?" gulat na tanong ng kaniyang ina. "Opo, Mama. Boss ko nga po ang lalaking iyon! Binigyan niya ako ng trabaho dahil naawa siya sa 'kin," sabi niya. "Ahh, mabuti naman at magkakatrabaho ka na pero paano 'yang paa mo?" "Magaling na po ito bago sumapit ang Lunes dahil pahinga lang ang kailangan ko. Pero ang inaalala ko po talaga, eh 'yong boss ko! Naku, nakakahiya talaga!" muling pakli ng dalaga. "Hayaan mo na, 'nak. Maiintindihan niya iyon dahil mahirap lang tayo," sabi nito. Embes na maging masaya siya dahil may trabaho na siya ay pinoproblema niya kung paano siya haharap kay Lune Bleue sa Lunes dahil sa nangyari. Bakit ba kasi natae siya nang hindi sa oras? Talagang dito pa talaga sa bahay, kung kailan walang tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD