"Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday to you..." sabay-sabay na awit nina Yoona at ng kaniyang kapatid at ina. Nasa piitan sila ngayon upang dalawin ang kaniyang amang nakakulong.
Tamang-tama dahil maayos na ang lagay ng paa ng dalaga, kaya nakapaglalakad na siya.
"Happy birthday ulit, Papa," bati niyang muli sa kaniyang ama.
"Salamat, anak," tugon nito. Masaya mang tingnan sa mga mata ang ama ni Yoona dahil dinalaw ito sa kaarawan nito, pero hindi maitatago ang lungkot sa kaniyang puso.
"Salamat sa inyo dahil ninyo ako nakakalimutan," pakli ng ama ni Yoona habang may luha sa gilid ng kaniyang mga mata na gustong kumawala.
"Mando, siyempre naman, dadalawin ka namin dahil asawa kita at mahal na mahal ka namin ng mga anak mo," sambit ng ina ng dalaga.
"Si Papa talaga, 'wag naman po kayong magdrama riyan! Kaarawan n'yo po ngayon, kaya dapat magsaya tayo, naiiyak tuloy ako," sita ni Avery.
"Oo nga naman, Papa. Naiiyak tuloy kami," pakli ng dalaga.
"Pasensiya na, hindi ko lang kasi mapigilang maging masaya kapag dinadalaw ninyo ako rito sa piitan," pahayag nito.
"Tama na nga 'yan, Mando. Pati tuloy ako, naiiyak, eh. Kumain na nga tayo," yaya ng asawa nito.
Nagsimula na silang kumain. Masayang-masaya sila kahit sa simpleng celebration lamang. Kung hindi lang nakulong ang tatay ni Yoona ay mas lalong magiging masaya pa sila.
"Siya nga pala 'nak, kumusta ang paghahanap mo ng trabaho?" tanong ng kaniyang ama.
"Ay, oo nga po pala! Nakalimutan ko pong sabihin sa inyo na may trabaho na po ako, bukas po ang simula," masayang anunsyo ng dalaga.
"Wow! Congrats, 'nak! Pagbutihin mo para mahalin ka ng amo mo at tumagal ka sa kompanya," sambit ng kaniyang ama.
Literal ba 'yong mahalin? Diyos ko! Kinakabahan talaga ako ng sobra! Aniya. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin makalimutan ang pagtae ni Lune Bleue gamit ang plastic at tela.
"Salamat po, Papa. Pagbubutihin ko po para po sa inyo nina Mama at Avery. Sana nga po, matupad 'yong pangarap ko na makapagpatayo ng bakery para naman tumigil na si Mama sa paglalako ng kakanin," sabi niya. Wala naman siyang ibang hinihiling sa Diyos kung hindi mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang mga magulang at nag-iisang kapatid na si Avery Jonnel.
"Oo naman, 'nak. Basta, magtiyaga ka lang. Ang lahat ng bagay ay matutupad basta, hindi ka lang mawawalan ng pag-asang tuparin," pahayag ng kaniyang ama.
"Opo, Papa. Salamat po," tugon niya. "Siya nga po pala, sana nga rin po, makalabas na rin po kayo ng piitan. Gusto ka na po naming makasama." Hindi niya mapigilang mapaiyak.
Hindi umimik ang kaniyang ama sa sinabi niya, dahil imposibleng makalalabas ito ng kulungan. May napakalaking bagay rin itong nilihim sa kaniyang pamilya na hanggang ngayon ay nililihim niya. Gusto man nitong sabihin pero hindi maaari dahil baka masaktan lamang ang kaniyang asawa lalong-lalo na ang kaniyang anak na si Yoona.
"Papa, sana nga po makalabas na kayo rito para naman po makasama ka na namin at maging masaya po tayong magkakasama," sambit ni Avery.
"Oh, tama na 'yan. Darating ang araw na makalalabas din ang Papa ninyo. May awa ang Diyos, hinding-hindi niya hahayaang mabulok ang Papa ninyo sa kulungan," sambit ng kaniyang ina.
"Tama ang Mama ninyo, mga anak. 'Wag na kayong malungkot ha? Darating ang araw na bigla na lang akong kakatok sa pinto ng bahay natin at simula sa araw na iyon ay magiging masaya tayo," aniya.
"Hindi na po kami makapaghintay sa araw na iyon!" sambit ng dalaga at ngumiti siya.
"Siya nga pala, ano ba 'yong sinabi ng Mama mo na nabangga ka raw?" tanong ng kaniyang ama.
"Ganito po kasi 'yon, Papa. Naghahanap po ako ng company na mapapasukan tapos do'n po sa may kalye, tumawid po ako tapos pagtawid ko hindi ko po napansin na may kotseng paparating. Paggising ko po nasa hospital na ako tapos ang nakabangga po sa 'kin ay isang bilyonaryo, siya nga po ang nagbigay nagtrabaho sa 'kin bilang sekretarya dahil naawa po siya sa 'kin," kuwento niya.
"Mabuti na lang at mabait ang nakabangga sa 'yo. Siya rin ang nagbigay ng swerte sa 'yo upang makapagtrabaho ka na. At pasalamat ka 'nak, dahil iniligtas ka ng panginoon, hindi ka niya pinabayaan. Kumusta na pala ang pakiramdam mo ngayon?" tanong ng kaniyang Papa.
"Ayos na ayos na po ako, Papa. Handang-handa na po akong pumasok ng trabaho bukas," sagot niya.
"Pero alam ninyo po, Papa, may kinuwento sa 'kin si Ate tungkol sa bilyonaryong boss niya, haha!" bulalas ni Avery at tumawa nang tumawa.
"Ano 'yon, 'nak?" tanong ng kaniyang ama.
"Wala po 'yon, Papa. Uy, Avery! Kumakain pa naman tayo," sita ng dalaga at sinamaan ito ng tingin.
"Ayos lang anak, tapos na rin naman tayong kumain, eh," pakli ng kaniyang ama.
"Avery!" muling sambit niya sa pangalan ni Avery at muling sinamaan niya ito ng tingin.
Tumawa lamang si Avery. "Pa'no po kasi Papa, kinarga si Ate nung bilyonaryong 'yon papunta sa bahay natin, kasi hindi pa si Ate nakakapaglakad ng maayos. Bigla raw pong nakaramdam ng tawag ng kalikasan 'yong bilyonaryo tapos nang time pong iyon, wala raw pong tubig sa banyo at wala rin pong tissue, hahaha! Kaya ang ibinigay raw po ni Mama, plastic at tela," tuwang-tuwa na kuwento ni Avery.
Tumawa na lamang ang mag-asawa pati si Avery. Hindi naman maiguhit ang mukha ng dalaga dahil naalala niya na naman kung ano ba ang sasabihin niya sa bilyonaryong iyon. Hiyang-hiya siya sa nangyari. Hindi niya rin alam kung ano ang ganting nakalaan para sa kaniya mula sa bilyonaryo dahil alam niyang galit na galit ito sa nangyari.
"Maiintindihan niya rin naman 'yon, 'nak. Bakit kasi nawalan ng tubig?" tanong ng kaniyang ama.
"Inaayos kasi nang time na iyon, 'yong connection ng tubig kasi may naputol daw. Eh, hindi ko naman akalaing mawawalan ng tubig kaya hindi ako nakapag-imbak, at hindi ko rin akalain na darating 'yong boss ni Yoona tapos tinawag pa ng kalikasan," kuwento ng kaniyang ina.
"Hindi naman pala sinasadya, eh. Maiintindihan niya rin naman 'yon. Hindi rin naman tayo mayaman," ani ng kaniyang ama.
Kahit hindi man sadya ang nangyari ay problemado pa rin ang dalaga. Hindi pa rin talaga niya makalimutan ang nangyari.