Chapter 7

1177 Words
Maagang pumunta ng Laurent Corp. si Yoona. Kabadong-kabado si Yoona dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa kaniyang boss. Hiyang-hiya pa rin siya sa nangyari. Sobrang laki ng building at ang ganda ng ambiance. First time niyang makapasok sa ganito kalaking building. Dati, nag-a-apply lang siya sa maliliit na company. Nasa lobby siya ng Laurent Corp. dahil tinawagan muna ng receptionist si Lune Bleue bago paakyatin ang dalaga. "Ma'am, excuse me. You can now proceed on the twenty-fifth floor. Thank you," bulalas ng receptionist. Twenty-fifth floor? Mag-e-elevator ako? Tss. Hindi pa naman ako marunong magpindot-pindot baka mamaya, iba mapuntahan ko. Pero kaya ko ito! Aniya at huminga siya ng malalim. Nang magbukas ang elevator ay bigla naman siyang pumasok. Nakita niya na may isang empleyado na pinindot ang tenth floor. Hinanap niya ang twenty-fifth pero wala. "Walang pong twenty-fifth button?" tanong niya. "Doon po 'yon sa kabila," sambit ng babae. "Ay, gano'n po ba? Babalik pa ba ako ng ground floor?" muling tanong niya na may halong kaba sa kaniyang dibdib. "Lumabas na din po kayo ng tenth floor dahil mayroon ding elevator doon para sa twenty-fifth floor," sambit ng babae. "Sige po, salamat," tugon niya at nginitian niya ito. Ilang saglit ring nabalot ng katahimikan ang loob ng elevator hanggang sa nagbukas na ito. "Halika, sumunod ka sa 'kin," sambit ng babae. Tumango siya at sumunod naman siya sa babae. "Doon ka sa right pumasok dahil para iyon sa twelfth to twenty-fifth floor. Pindutin mo lang 'yong twenty-fifth," pahayag ng babae. "Sige, salamat talaga," sambit niya. "Ano nga pala pangalan mo?" tanong niya rito. "You're welcome. I'm Rose, ikaw?" sabi nito at inilahad ang kamay. Kinamayan naman ito ni Yoona. "I'm Yoona," maikli niyang tugon. "Sige, aalis na ako ha? Nice meeting you," sambit niya rito. "Sige, nice meeting you too," tugon sa kaniya, at tumalikod na ito paalis. Tumungo na siya sa elevator na tinuro sa kaniya ni Rose. Nang makarating na siya ng twenty-fifth floor ay inikot niya ang kaniyang paningin sa paligid. Ang ganda naman rito? Saan kaya ang opisina ng bilyonaryong iyon? Aniya. Dumiretso lamang siya sa paglalakad at natanaw niya sa bintana si Lune Bleue na busy itong nag-aayos ng mga papeles. Napahinga siya ng malalim. Sana limot niya na ang nangyari. Lagot talaga ako! Sa sinabi niya pa lang no'ng isang araw ay parang may halong pagbabanta. Kabadong ani niya sa kaniyang isip. Bigla tinupok siya ng tingin ni Lune Bleue sa kaniyang mga mata. Parang napaka-cold ang tingin nito at bigla na lamang itong yumuko upang ipagpatuloy ang ginagawa. Ang bastos naman! Wika niya sa kaniyang isip. Hindi man lang siya pinansin ng binata, talagang tiningnan lang siya. Hindi man lang siya niyayang pumasok ng opisina nito. Nagbuntong-hininga siya at ihinanda ang sarili sa pagpasok ng opisina. Kailangan niyang lakasan ang kaniyang loob dahil desperada na talaga siyang makapagtrabaho. Bigla niyang binuksan ang pinto at lumapit sa kinaroroonan ng kaniyang boss. "Good morning, Sir," bati niya rito. Nasa harapan na siya nito ngunit nanatili itong nakatutok sa ginagawa. Parang wala itong taong narinig na nagsalita. "Sir?" tawag niya rito nang hindi pa siya nito pinansin. "What are you doing here?" tanong nito na ikinagulat ng dalaga. Napakunot-noo ang dalaga. "Sabi mo, magsisimula na akong magtrabaho ngayong araw, bilang sekretarya mo," sagot niya rito. "I changed my mind," pakli nito. "Ano? Sigurado ka? Eh, 'di sana sinabihan mo ako bago ka umalis ng bahay," sabi niya. "Why would I? Ano ba kita? Ikaw lang namang nagpumilit na maging sekretarya ko, right?" turan nito sa kaniya. "Umasa ako, sinabi ko na sa mga magulang na may trabaho na ako tapos ganito lang ang sasabihin mo? Ano na lang ba ang sasabihin ko sa kanila?" bulalas niya at napahawak siya sa kaniyang ulo. Hindi niya akalaing gagawin ito sa kaniya. "Kung gumaganti ka dahil pinatae ka namin sa..." "'Wag mo ng ituloy! Kasi that was so disgusting!" biglang turan nito kaya hindi naituloy ni Yoona ang kaniyang sasabihin. "Pero 'yon ba ang rason mo, kung bakit biglang nagbago ang isip mo?" tanong niya rito. "Ano pa ba? Alam mo, sa buong buhay ko, that was my first time na..." Hindi nito itinuloy ang sasabihin at napabuntong-hininga na lamang ito. "Isang beses lang namang mangyari iyon sa buhay mo, eh akala mo naman kung nasira na ang pagkatao mo. Gano'n talaga, kasi mahirap lang kami. Walang tissue at malas mo lang kasi walang tubig nang makaramdam ka ng tawag ng kalikasan," pahayag niya't pinipigilan niyang tumawa. "So, you mean? Okay lang sa inyo na gano'n ang gawin ninyo? Iyon ang gamitin ninyo?" sunod-sunod na tanong ng binata. "Hmm, syempre hindi. Hindi ko pa nga naranasan 'yon, eh," sambit niya. "Whaaaat? Hindi mo pa naranasan iyon?" bulalas nito. "Hindi pa, dahil kapag nakakaramdam ako nang gano'n, palaging may tubig," kuwento niya. Napahinga ng malalim ang binata dahil hindi niya akalaing siya lang pala ang nakaranas na gumamit ng tela at plastic. Napailing-iling na lamang ito. "Nagbago na ba talaga ang isip mo? Dapat nga nagpasalamat ka pa, kaysa naman sa natae ka riyan sa pantalon, 'di ba mas nakakahiya 'yon?" pakli niya rito. "Oo na, oo na. 'Wag ka na lang magsalita. Sige na, magsimula ka ng magtrabaho," sambit nito. "Saan ba ako?" nakangiting tanong ng dalaga. "Doon sa isang table," sagot nito. "Okay, salamat," sambit niya at dumiretso na siya sa magiging table niya. Nakita niyang marami siyang gagawin. Mabuti na lang at natutunan niya na ang ibang ginagawa bilang sekretarya, nang nag-OJT siya no'ng college. Masayang-masaya siya dahil may trabaho na siya, siguradong unti-unti ng matutupad ang mga pangarap niya para sa mg magulang niya at kapatid niya. Hindi na rin sila mahihirapan sa araw-araw sa mga gastusin, lalo na ang kaniyang ina. "Cancel all meetings on Friday," bungad sa kaniya ni Lune Bleue na ikinagulat niya, napatutop tuloy siya sa kaniyang dibdib. "Copy, Sir," tugon niya rito. Talagang tambak ang kaniyang mga gagawin. Ilang oras pa lang siyang nakaupo ay sumasakit na ang kaniyang likod. Naiinis din siya dahil nakakaramdam siya ng antok. Ano ba naman kasing opisinang ito! Ni wala man lang music. Aniya sa kaniyang isip. Bigla siyang nagulat nang may tumawag sa telepono kaya muling natutop niya ang kaniyang dibdib. "Criiiiiiiing!" "Good morning! This is Yoona. How may I help you?" bati niya sa kabilang linya. Mabuti na lang at pinag-aralan niyang muli, kung ano ang sasabihin kapag may tumatawag. "Can I talk to Lune Bleue Laurent?" sabi sa kabilang linya na parang may pagkasuplado ang tono ng pananalita. "Yes, Sir. Just hold on for a second please," tugon niya. Ang inaalala niya ay kung paano i-transfer ang tawag sa telepono ng kaniyang boss. Marahang tinakpan niya ang telepono, "Sir?!" tawag niya sa binata at sinenyasan niya ito na may tawag. Sinenyasan rin siyang i-transfer ang tawag pero hindi niya alam kung paano kaya umiling-iling siya. Tinakpan niya ang telepono, "Hindi ko po alam kung paano," hiyaw niya. Napakunot ng noo ang kaniyang boss at sinamaan siya ng tingin na parang mangangain ito ng tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD