Chapter 8

1041 Words
Nagulat si Yoona nang bigla siyang sinigawan ng kaniyang boss na. Bigla siyang napayuko. Hindi niya akalain na gano'n ang magiging reaksyon nito dahil sa simpleng pagkakamali niyang iyon. "O, wala na! Binaba na iyong tawag. I thought, you're a graduate of BS in Office Administration? Tapos hindi mo alam ang simpleng pag-transfer ng tawag. This is too much! Napakamalas ko simula nang makilala kita," bulyaw nito sa kaniya. "Pasensiya na Sir, hindi ko po sinasadya," sambit niya at yumuko na lamang siya. Pinipigilan niyang umiyak. "Sino ang tumawag sa telepono?" tanong nito sa kaniya. Umiling-iling siya dahil hindi niya tinanong kung sino ang nasa kabilang linya. "I'm sorry, Sir. Hindi ko natanong kung sino ang tumawag," sabi niya. Huminga ng malalim ang kaniyang boss. "Kita mo na? Paano na lang kung si Mr. Lee ang tumawag? Ayaw ng taong iyon na pinaghihintay, baka i-cancel pa 'yong transactions natin sa kaniya!" muling bulyaw nito. "I'm really sorry, Sir," ang tanging nasabi niya at napayuko na lamang siya. Hindi niya akalaing ganitong klaseng tao si Lune Bleue pero inaamin niyang kasalanan niya naman ang nangyari. "Don't you ever do this again, dahil mapipilitan akong tanggalin ka sa trabaho!" sabi pa nito at bigla na itong bumalik sa table nito. Parang gustong tumulo ng kaniyang luha pero pinipigilan niya dahil ayaw niyang magmukha kaawa-awa sa harapan ng kaniyang boss. Umupong muli siya at muling ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Habang nagsusulat siya ay may paunti-unting luhang lumalabas mula sa kaniyang mga mata. Kahit anong pigil niya sa kaniyang sarili na hindi umiyak. Marahan niyang pinunas ng kaniyang kamay ang luha sa kaniyang pisngi at mga mata. Ni wala siyang panyo o tissue man lang. Mabuti na lang at medyo malayo ang didtansiya sa kaniya ng kaniyang boss. Huminga siya ng malalim. Kaya mo 'yan, Yoona! Para sa pamilya! Parte na ito ng trabaho na mapagalitan. Fighting, self! Pagpapalakas niya ng loob niya. Kailangan niyang alamin kung ano ang schedule ng kaniyang boss at kung ano ang free time nito. Siya kasi ang mag-i-schedule ng meetings for her boss. Akala niya madali lang ang maging sekretarya pero ngayon, parang gusto niyang isumpa ang pagiging sekretarya, halos wala na siyang time umihi o ano pa man. Alas dose na siyang natapos sa mga ginagawa niya. Kaunti na lang at matatapos niya na rin ang lahat. Tinupok niya ng kaniyang tingin ang kaniyang boss at nakita niya itong busy pa rin sa pagtatrabaho. Nakakaramdam na siya ng gutom, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Nilapitan niya ito. "Sir, coffee?" biglang sambit niya at ngumiti siya na parang walang nangyaring bulyawan kanina. Napataas ng ulo si Lune Bleue at tumingin sa kaniya. Nginitian niya lamang ito. "Sure," maikling sagot nito. Mabuti na lang, may label sa pinto ang pantry kaya mabilos niya lang nahanap. Nang pagpasok niya ay namangha siya sa sobrang laki. Pinagtimpla niya ng kape ang kaniyang boss, isa rin ito sa pinag-aralan niyang husto nang mag-OJT siya dati at tinuturuan sila ng kanilang Professor. Dahan-dahan siyang tumungo sa opisina, dala ang kape. "Sir, here's your coffee," sambit niya at iniabot naman iyon ng kaniyang boss. "You can take your lunch," sambit nito sa kaniya. "Pero kayo po, hindi... Ahh, okay po. Thank you," tugon niya rito. Gusto niya sanang tanungin kung hindi pa ito mag-lu-lunch pero alam niya na ang isasagot nito na may ginagawa pa. Baka mamaya ay bulyawan na naman siya nito. Pumunta siya sa pantry, dala ang kaniyang baong pananghalian. Kumain siyang mag-isa roon. Inaalala niya ang kaniyang boss kung palagi ba nitong ginagawa na magpalipas dahil lang sa tutok ito sa pagtatrabaho. Sabagay, buhay niya rin 'yon! Bahala siya sa buhay niya kung hindi siya mananghalian. Tss. Pagkatapos niya akong bulyawan, nararapat lang sa kaniyang magutom! Aniya sa kaniyang isip at napangiwi pa siya. "I'll not be around this afternoon, kaya ikaw na muna ang bahala sa office." Napapitlag siya dahil bigla ba namang nagsalita ang boss niya at nasa harapan niya na ito, na hindi niya man lang namalayang pumasok ng pantry. Tumayo siya. "Okay po, Sir. Kain po pala kayo, hehe," yaya niya rito. Tiningnan lang siya nito at tumalikod na ito palabas ng pantry. Ang bastos talaga ng lalaking ito! Saan kaya ito ipinaglihi? Hays, na-i-stress tuloy ang buhok ko! Napahiya tuloy ako. Next time, hindi ko na siya yayayaing kumain! Wika niya sa kaniyang isip. Pagkatapos niyang kumain ay bumalik na siya ng opisina at naupo sa kaniyang table upang magsimulang magtrabaho. Nakahinga siya ng malalim dahil wala ang kaniyang boss. May kung anong pumasok sa isip niya kaya tumayo siya at umupo sa swivel chair ng kaniyang boss at umikot-ikot. "I thought, you're a graduate of BS in Office Administration?" ginagaya-gaya niya ang bulyaw ng kaniyang boss kanina. Nagmumukha tuloy siyang baliw dahil nagsasalitang mag-isa sa loob ng opisina. "Ang bango naman ng upuan niya. Siguro, walang magkakagustong babae sa kaniya kahit napakagwapo niya dahil parang ewan ang ugali niya, eh. Kababae ko ngang tao, sinisigawan niya. Hay naku, kahit nga mapera siya at pogi, hinding-hindi rin ako magkakagusto sa isang tulad niya! Paano kaya siya magmahal, kung cold-hearted siya?" pakli niya sa kaniyang sarili. "Ang gulo naman ng table niya! Ano ba 'yan!" sambit niya. Umiling-iling siya at inayos niya ang mga papeles na naroon sa ibabaw. "Hayan! Sobrang linis na at maayos tingnan," sambit niya. May nakita siyang isang picture frame. "Siguro, siya ito ng maliit pa siya. Hay naku, kahit sa litrato talagang napakasuplado. Siguro, nang magpaulan ang diyos ng kasupladuhan at kalamigan, nasalo niya na lahat. Napaka-cold-hearted niyang tao, pero in fairness, he's really handsome," bulong-bulong niya habang hawak ang picture frame at pinagmamasdan ito. Bumalik na siya sa kaniyang table at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Mabilis siyang magtrabaho kaya natapos niya kaagad lahat ng gawain. Inayos niya ang ibabaw ng kaniyang mesa, kinuha niya ang family picture frame na dala niya at inilagay sa ibabaw ng kaniyang mesa. Gusto niyang makita ito sa araw-araw na pagtatrabaho niya opisina para mas lalo pa siyang sipagin. Kung hindi lang dahil sa mga magulang at kapatid niya ay hindi siya magtiyatiyagang magtrabaho bilang sekretarya ng nakakatakot niyang boss. Kung mayroon nga lang siyang mahahanap na iba pang trabaho ay talagang mag-re-resign siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD