"Kumusta ang trabaho mo, 'nak?" tanong ng kaniyang ina.
"Hmm. Ayos lang po, Mama. Grabe, sobrang taas at laki po ng building. Medyo naliligaw nga po ako sa loob, eh," kuwento niya at napangiti siya.
"Masasanay ka rin niyan. Kumusta naman ang boss mo? At iyong ibang empleyado? Maayos ba ang pakikitungo nila sa 'yo?" muling tanong nito sa kaniya.
"Ayos lang po, Mama. Mabait naman po 'yong boss at may nakilala na rin po akong isang empleyado na nakasabay ko sa elevator kaninang umaga," kuwento niya. Kahit medyo nahihirapan siyang makitungo sa kaniyang boss at hindi maayos ang pakikitungo nito sa kaniya ay ayaw niya namang ikuwento sa kaniyang ina ang totoong ugali nito dahil baka mag-alala pa ito.
Malaking pasalamat niya na ring nakilala niya ito dahil nagkaroon na siya ng trabahong matagal niya ng pinapangarap. Konting tiis pa ay masasanay rin siya sa lahat ng ginagawa niya.
Kung alam lang ni Mama na umiyak ako kanina dahil sa bulyaw ng boss ko, pero okay lang naman 'yon. Naiintindihan ko naman kung bakit gano'n ang trato niya sa 'kin. Sino nga ba naman ako? Isang hamak na empleyado lamang. Aniya sa kaniyang isip.
"Mabuti naman kung gano'n. Basta palagi kang mag-iingat, ha?" sambit ng kaniyang ina.
"Maghapunan ka na. Mauna ka na para naman makapagpahinga ka na. Sabay na lang kami ni Avery," dagdag pa ng kaniyang ina.
"Opo, Mama. Gutom na rin po ako, eh," sambit niya.
"Nasaan nga po pala si Avery?" tanong niya.
"Nariyan sa kaniyang kwarto. May tatapusin daw siyang aralin," sagot nito.
"Ang sipag, ah," sambit niya. Nagsimula na siyang kumain kasi talagang gutom na gutom na siya. Sa dami ba namang ginawa kanina.
"Siyempre, nangako kang bibilhan mo ng cellphone," nakangiting sambit ng kaniyang.
"Opo. Sana nga po, kapag nabilhan ko na siya ay mas lalo pa siyang magsipag sa pag-aaral," sabi niya.
"Oo, 'nak, mas lalo niya pa raw na pagsisipagan," sambit nito.
"Siguraduhin niya lang po, dahil kung hindi, babawiin ko sa kaniya," pakli niya.
"Oo nga, 'nak," sang-ayon ng kaniyang ina.
"Busog na busog po ako, Mama. Ang dami ko pong nakain. Sobrang sarap po kasi ng luto n'yo," bulalas niya, nang matapos na siyang kumain.
"Syempre naman, anak. Dapat palaging masarap ang luto ko para naman kahit pagod ka ay ganahan ka pa ring kumain," sagot nito.
"Hehe, salamat po ng marami, Mama. The best po talaga kayo!" pakli niya. Tumayo siya't dala ang plato at kubyertos upang kaniyang hugasan.
"Ako na lang ang maghuhugas niyan, 'nak," sabi ng kaniyang ina.
"Naku, ako na lang po, Mama. Kaya ko na po ito," sabi niya.
"Ikaw talaga," ang tanging nasambit ng kaniyang ina.
Pagkatapos niyang maghugas ng pinggan at magsipilyo ay dumiretso na siya sa kaniyang kwarto upang magbihis.
Pagod na pagod siya ngayong araw. Nilinisan niya ang buong opisina bago sa umalis dahil naaalibadbaran siya na habang nagtatrabaho ay may alikabok sa kung saan parte ng office. Sana nga ay magustuhan ng kaniyang boss ang ginawa niyang pag-aayos ng kalat.
Kinuha niya ang kaniyang makalumang cellphone. Sa wakas, malapit na rin kitang palitan! Bibili ako ng touch screen na cellphone para naman, makapag-download na ako ng mga paborito kong kanta at korean drama, katulad no'ng sa kaklase ko dati, at makakapag-f*******: na rin ako. Maganda pa rin mayroong gadget na katulad ng cellphone, para naman updated sa mga nangyayari sa paligid. Ni wala kasing TV o kahit man lang radyo rito sa bahay. Wika nika niya sa kaniyang isip.
KINABUKASAN ay maaga siyang nagising kaya maaga rin siyang nakapunta sa kompanya. Pagdating niya sa loob ng office ay wala pa ang kaniyang boss.
Nasaan na kaya ang gagong iyon? Sabagay, mas mabuti ng ako ang naunang pumasok rito sa office. Aniya.
Naupo na siya upang muling magsimula sa kaniyang trabaho. Nang biglang pumasok ang binata ay napapitlag siya. Tumayo siya upang batiin ito. "Good morning, Sir!" bati niya rito. Dire-diretso lamang ito at wala man lang tugon sa sinabi niya.
"What the f**k did you do?!" hiyaw ng kaniyang boss kaya napatingin siya sa gawi nito.
Napatayo siya. "A...ako po Sir?" takang tanong niya.
"Bakit? May iba pa ba tayong kasama rito? Tingnan mo ang ginawa mo! Bakit nakialam ka sa table ko?! Hindi ka ba nag-iisip?!" sunod-sunod na bulyaw nito sa kaniya.
"Eh, nilinisan at inayos ko lang naman po ang ibabaw ng table mo kasi sobrang kalat," rason niya rito.
"What?!" Napahawak si Lune Bleue sa kaniyang ulo. Lagi na lang siya naba-bad trip dahil sa kagagawan ng kaniyang sekretarya. "Nilisan at inayos mo? Pero tingnan mo ang nangyari! Mas lalo mong ginulo! I already separated all the important papers pero hinalo-halo mo naman! Next time, 'wag na 'wag kang makikialam sa table ko, hangga't hindi ko sinasabi!" bulyaw niya pa rito.
Napayuko na lamang ang dalaga. "I'm really sorry, Sir," sagot nito sa kaniya. Nakita ng binata na may namumuong luha sa mga mata nito pero wala naman siyang pakialam dahil kasalanan naman nito kung bakit palagi niya itong napapagalitan.
Tumalikod na ang kaniyang sekretarya at bumalik na ito sa table nito. Nakita niyang pinapahid nito ang mga luha gamit ang kamay. Napahinga siya ng malalim. Gano'n ba talaga sila kahirap? Ni panyo, wala siya? Wika niya sa kaniyang isip.
Nakakaramdam din siya ng awa sa dalaga pero pagdating sa trabaho, strikto talaga siya. Ayaw niya ng palaging nagkakamali dahil nasasayang ang oras. Napakahalaga ng oras para sa kaniya.
Hindi pa tumitigil sa pag-iyak ang kaniyang sekretarya. Parang gusto niya itong abutan ng tissue. It's all her fault! Hindi man lang siya nag-iisip sa bawat kilos niya.
Hindi akalain ng dalaga na gano'n ka-sensitive ang kaniyang boss. Habang tumatagal ay mas lalo niyang nakilala ang ugali nito. Ayaw nitong nagkakamali. Inaamin niya sa sarili niyang maganda naman ang intensyon niya sa ginawa niya pero hindi talaga pumasok sa isip niya na magugulo ang mga papeles where in tama naman ang sinabi ng kaniyang boss.
Katulad ng ginawa niya kahapon, huminga siya ng malalim. Okay lang 'yan, self! Kasalanan mo naman, eh! Aniya at tiningnan niya ang family picture frame. Para sa inyo Mama, Papa at Avery, titiisin ko na lang ang lahat. Mahal na mahal ko kayo.
Nilalakasan niya ang loob para sa pamilya niya. Sa araw-araw na paggising niya ay wala siyang ibang iniisip kung hindi ang kaniyang kapatid at mga magulang.