Hindi muna umuwi sa mansion ang binata, dumiretso siya sa kaniyang condo kasi baka mas lalo pang lumala ang away nila ng mga magulang niya. Pagod na rin siyang makipagtalo sa mga ito. "Apo ko, my Lune Bleue! Kumusta?" bulalas ng kaniyang lola habang ka-video call niya sa laptop. "I'm fine, Lola. Kailan ka ba dadalaw rito sa Pilipinas? I miss you so much," malambing na sabi niya rito. "Hindi ko pa alam apo. Bakit parang nangayayat ka? Isumbong mo lang sa 'kin kapag hindi ka inaalagaan ng mommy at daddy mo dahil pagagalitan ko sila," pakli nito sa kaniya. Mahal na mahal siya ng kaniyang lola. Spoiled siya nito sa lahat ng bagay. Mas mahal niya ang kaniyang lola kaysa sa kaniyang mga magulang. "Hindi naman po. Actually, mayroon po sana akong favor sa inyo," sambit niya rito. "Oh, ano

