Araw ng Biyernes ngayon, gustong sabihin ni Yoona sa kaniyang boyfriend na ipakikilala niya ito sa Mama niya at kay Avery bilang boyfriend niya. Tumungo siya sa puwesto nito at naupo sa harap nito. "Do you have plans on Sunday?" tanong ng talaga sa kaniyang boyfriend. "Hmm. I have, why?" tugon nito. Busy ito sa pagtatrabaho. "Ahh, sige next Sunday na lang tuloy," sambit niya. "Hmm, ano 'yon? I-di-date mo ako?" Parang bata ito na nagtatanong sa kaniya. "Hindi naman date, eh. Gusto lang sana kitang ipakilala kay Mama at sa kapatid ko as my boyfriend," saad niya. "Really?" Sobrang saya nito at tila hindi matikom ang bibig sa kaniyang ngiti na abot langit. "Ang kaso may pupuntahan kami ng mga magulang ko." Biglang napasimangot ang mukha nito. "Next Sunday na lang, mahal ko," tugon n

