"Mukhang ang saya mo ngayon, ah. Kumusta? Nakausap mo na ba ang mommy mo?" tanong ni Yoona sa binata nang makita niya itong bahagyang ngumingiti. Lumapit ito sa dalaga at naupo sa silyang nasa harapan ng table nito. "Yes, okay na okay na kami ng Mom ko. Sinabi ko na rin sa kaniya na ipakikilala ko ang girlfriend ko," kuwento nito. "Ahh, mabuti naman kung gano'n. Sana hindi na uli kaya mag-away ng matagal at sana 'yan na ang simula ng masayang pagsasama ninyo ng mga magulang mo," sambit nito. "Oo, naman. Siya nga pala, pinapasabi ni Mommy na pagpasensiyahan mo na raw 'yong asal niya sa 'yo noong nakaraan," kuwento pa nito habang nakatitig kay Yoona. "Okay lang naman 'yon, nagkataon lang talaga na wala siya sa mood kaya gano'n," sambit niya. Medyo nabawasan na rin ang kaba niya dahil sa

