Nang dumilim na ang paligid ay pareho silang nakaupo sa tabi ng dagat habang pinagmamasdan ang malaking bilog na buwang lumilitaw. "Ang ganda, hindi ba?" sambit ni Yoona sa binata. Napaluha siya dahil nagkatotoo ang matagal niya ng pangarap. "O, bakit ka umiiyak riyan?" tanong sa kaniya ng binata. Ngumiti siya, "Parang tanga ako, ano? Hehe, masaya lang talaga kasi akong sobra na nagkatotoo ang matagal ko ng hinahangad. Salamat, ha? Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ako makakarating rito," sambit niya. "It's okay. Alam ko namang magiging masaya ka, eh," tugon nito. "Ang ganda talaga ng buwan, hindi ba? I really love moon talaga," sambit niya. "Oo, kasing ganda mo. Alam mo ba na nasa tabi mo lang palagi ang tunay na buwan," pakli nito. Napakunot ng noo naman ang dalaga dahil sa hindi

