Nang makasakay na sila ng kotse ay kitang-kita ang saya at excitement sa mukha ni Yoona. Pinaharurot na ng binata ang kotse patungo sa isang mamahaling restaurant kung saan naghihintay ang isa sa investor ng kompanya. "Bakit parang ang saya mo ngayon?" tanong sa kaniya ni Lune Bleue. "Wala lang, bakit bawal ba ako maging masaya?" tugon niya. "Ah, hindi naman. Siya nga pala, bakit ang dami mong dala-dala?" tanong muli nito. "Siyempre, kailangan ko ng damit, alangan namang hindi ako magbihis," sambit niya. Napakunot-noo ang binata, "Okay naman na ang suot mo, hindi ba? Bagay naman sa 'yo kaya kahit hindi ka na magpalit pagdating natin doon," pakli niya. She's really weirdo! Daig niya pa ang pinagpapawisan lagi para kailangan magpalit ng damit. "Ano ka ba?! Siyempre, kailangan kong m

