"Ate? Kitang-kita namin ni Mama, kung paano ka titigan ni Kuya Lune Bleue. Parang nagseselos nga, e," bungad ni Avery, nang pagbalik nila sa upuan. "Oo, alam ko. Heto naman kasing si Harry, muntikan na nga akong matumba kasi pilit akong isinisiksik do'n nitong si Harry," pakli niya. "Yoona naman, pagkakataon na 'yon, mukhang selos na selos nga ang ex mo, e. Sigurado ako, baka lapitan ka no'n maya-maya," wika nito. "Tss. Ewan ko sa 'yo, nakakahiya naman 'yong ginagawa mo kanina," tugon niya. "Pero may napansin pa ba kayo? Panay tingin kasi rito ang mga magulang ni Lune Bleue, takang-taka siguro sila, kung bakit kayo narito," pakli ni Harry. "Oo nga, ano? Bakit kaya? Baka hindi pa talaga sila naka-moved on sa nangyari," sabi niya. "Mukhang hindi naman galit, e. Baka nagtataka lang ta

