Nang matapos na ang event ay umuwi na kaagad sila. Nakakuha siyang parangal bilang Youngest CEO. Dumiretso na rin sa kuwarto ang kaniyang kapatid at ang kaniyang ina kaya sila na lang na dalawa ang natirang nag-uusap sa may sala. "Madam, ayos ka lang ba?" tanong sa kaniya ni Harry. "Oo, ayos lang ako, Harry. Ano ka ba?! Strong kaya ito!" tugon niya, kahit ang totoo ay parang unti-unting dinudurog ang kaniyang puso. "Magpapahinga muna ako, ha? Siya nga pala, doon ka na lang ulit matulog sa guest room, nandoon naman ang gamit mo, e. Bukas ka na umuwi, at kung nagugutom ka magpaluto ka na lang, may inumin din sa ref at may mga pagkain din, basta ikaw na lang ang bahala," bilin niya rito. Nang akma na siyang humakbang para pumunta ng kuwarto ay biglang hinawakan ni Harry ang kamay niya

