"Ano ba 'yang binabasa mo?" tanong ni Rose sa kaniya. Nasa pantry sila at pagkatapos niyang kumain ay sinimulan niyang basahin ang isa sa mga librong ibinigay sa kaniya ng kaniyang boss.
Napahinto siya sa pagbabasa at tumingin kay Rose. "Korean languange book, sabi kasi ni Sir, pag-aralan ko raw ang ibang languages kasi baka raw may foreigner akong makausap sa telepono," pahayag niya.
"Naku, ang hirap pala maging sekretarya," sambit nito.
"Uy, sa pagkakaalam ko, nag-aayos din ng necktie ng boss ang secretary at nagdadala ng blazer. Hay naku, kaya ayoko maging secretary lalo na kung si Sir Lune Bleue ang boss ko. Nakakatakot kaya siya pero in fairness, napakagwapo niya," sabat ni Yza na na isang CMO or Chief Marketing Officer. Medyo mataray ito at maarte.
"Okay lang naman sa 'kin basta 'wag niya lang akong sasaktan physically," sambit niya. Mabuti naman at mababait ang kaniyang bagong nakilalang katrabaho. Sigurado rin siyang mayayaman ang mga ito. Lahat ng mga kinakain ng kaniyang mga katrabaho ay in-order pa ng mga ito sa mamahaling restaurant.
"Uy, Yza! Sinulyupan ka ni Sir Alfonso. Nagselos yata sa sinabi mo," pabulong na pakli ni Kylie rito. Bigla namang tinupok ni Yza ng tingin si Alfonso at nilapitan ito.
"Bakit Sir? Gano'n na ba ako kaganda para sulyapan mo?" malanding pakli nito.
Napalunok naman si Alfonso dahil marahang hinaplos ni Yza ang mukha nito. Biyudo na si Alfonso kaya kung gugustuhin niyang mag-asawa muli ay magagawa niya.
"Ehem! Ehem, pasintabi po sa mga hindi pa tapos kumain," aniya ni Tyler. Isang Account Executive, matipuno ang katawan at katamtaman ang dating, ngunit madalas itong tinutukso dahil may gusto ito kay Yza.
"Sus, selos ka lang Tyler," panunukso ni Loida rito.
Biglang lumapit si Yza rito na walang ibang gawin kung hindi kalokohan. "Bakit Tyler? Gusto mo ikaw rin?" bulong nito sa tainga nito. Napakagat naman ng labi ang lalaki. Biglang napaismid si Yza. "Kaso hindi kita type! Mas type ko pa rin 'yong medyo maedad na," biglang sambit nito at inirapan si Tyler.
Natatawa na lamang si Yoona sa mga pinaggagawa ni Yza.
NAKABALIK na naman siya sa opisina pero hindi pa rin umaalis ang kaniyang boss upang mananghalian. Dahil sa nalaman niya mula kay Loida, naawa siya rito.
Biglang siyang sumulpot sa harapan nito. "Sir, it's already one o'clock. Hindi ka pa po mag-lu-lunch?" tanong niya.
"Tatapusin ko lang ito," sambit nito.
Aba! Bakit parang mabait ngayon si Sir? Hmm. Baka may nagpapaligaya na sa kaniyang pusong mala-bato.
"Sige po," sagot niya. "Siya nga po pala. Remind ko lang po kayo na may appointment ka po bukas ng alas-otso ng umaga," sambit niya rito.
"Okay," maikling tugon nito.
Isang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin tumatayo mula sa pagkakaupo ang kaniyang boss upang mananghalian. Ano kayang bituka ang mayroon si Sir? Mabuti na nga lang, kinain niya iyong sandwich na ibinigay ko kanina. Kaso impossible namang busog pa siya dahil doon. Hay naku! Bakit ba ako nag-aalala sa aroganteng lalaking ito? Bahala nga siya sa buhay niya!
Napatingala ang dalaga sa kaniyang boss, nang biglang ilapag nito ang napakaraming papeles sa table niya.
"May reklamo?" bulalas ng kaniyang boss.
"Wala po," tugon niya pero deep inside talagang pinanghinaan siya. Ilang oras na lang ang natitira pero kailangan niyang matapos ang lahat ng iyon dahil kung hindi ay paniguradong mapapatungan na naman ng iba pang papeles. Sa tingin niya ay sinadyang tapusin ng kaniyang kaagad ang mga papeles na iyon upang pahirapan siya. Pwede rin naman kasing konti lang.
Nang makalabas si Lune Bleue ay nakahinga siya ng malalim. Dahan-dahan niyang pinuntahan ang table nito upang tingnan kung may mga gagawin pa ito. Bwiset na 'yon! Naisahan yata ako ni Mr. Arogant! Wala na siyang gagawin, oh.
Matamlay siyang bumalik sa table niya at sinimulan ang kaniyang trabaho. Nang pumasok ang kaniyang boss ay hindi man lang ito tiningnan dahil naiinis siya ng sobra rito.
Patikhim-tikhim pa ito nang umupo sa swivel chair. Hindi niya alam kung nang-tri-trip ito. Sabagay, wala naman siyang magagawa dahil boss niya iyon.
Alas singko na ng hapon pero hindi pa siya tapos sa ginagawa niya. Narinig niyang umuwi na ang kaniyang mga katrabaho sa kabilang opisina pero siya ay nanatiling nakaupo kaharap ang desktop at mga papeles. Hindi puwedeng hindi niya iyon matapos dahil baka matambakan siya.
Napapahawak siya sa kaniyang batok dahil sumasakit na iyon. Kanina pa siyang nakatutok sa monitor para mag-encode.
"I'll go ahead now," bulalas ng kaniyang boss nang sumulpot ito sa harapan niya.
"Sige po, Sir. Mamaya na po ako, tatapusin ko lang po ito," sambit niya rito.
Tumalikod na ito palabas ng opisina. Inikot niya ang kaniyang paningin at nakita niyang madilim na ang ibang parte ng ng twenty-fifth floor. Wala man lang konsensya ang aroganteng lalaking iyon! Iniwan talaga akong mag-isa rito. Mabuti na lang hindi ako naniniwala sa multo. Pero sobrang sakit na ng batok at katawan ko, hays!
Napahinto siya sa kaniyang ginagawa ng makarinig siya ng tikhim. "May tao ba riyan? Sir Lune? Nariyan ka pa po ba?" tanong niya. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa loob at lumabas din siya ng opisina upang tingnan kung may tao sa labas pero wala naman. Nakaramdam siya ng takot pero baka nagkamali lang siya ng rinig kaya bumalik ulit siya sa kaniyang puwesto upang tapusin ang ginagawa.
"Pssst!"
Napapitlag siya sa narinig. "Hay naku! Kung sino ka man, pakiusap, lumabas ka! Hindi ako natatakot sa 'yo!" hiyaw niya pero natatakot na talaga siya. Biglang ring pumasok sa isip niya na nasa twenty-fifth floor pala siya. Kung papasok naman siya ng elevator ay baka may biglang magpakita sa kaniya o kaya baka makulong siya sa loob.
Dali-dali niyang in-off ang desktop at pagkadampot niya ng kaniyang bag ay diretso na siyang lumabas ng opisina, patungo sa elevator. Mukhang mamamatay yata ako sa nerbiyos! Nakakainis naman kasing aroganteng iyon, hindi man lang ako sinamahan. Next time, hindi na talaga ako mag-o-overtime. Aniya sa kaniyang sarili. Pinagpapawisan na siya ng malamig dahil sa takot at nerbiyos.
Nang nasa loob siya ng elevator siya ay bigla niyang naalala 'yong napanood niyang pelikula sa cellphone ng kaklase niya dati. May nagpakitang multo doon at tinabihan ang babaeng nasa loob ng elevator. Bigla ring nag-stop ang elevator noon at dumilim ang paligid.
Diyos ko! Sana huwag mangyari sa akin iyon! Ayoko pa pong mamatay. Ngunit, nagulat siya nang biglang tumigil ang elevator at bumukas ang pinto kaya napapikit na lamang siya ng kaniyang mga mata. Naramdaman niyang may tumabi sa kaniya kaya mas lumakas ang kaba ng dibdib niya. Ayaw niyang dumilat ng kaniyang mga mata kasi baka mas lalo lang siyang matakot sa hitsura ng kung anong klaseng multo ang katabi niya, kaya ang ginawa niya ay hinampas niya ito ng kaniyang bag, ngunit na-realize niyang ang boss niya pala ang pumasok nang makasubsob siya sa dibdib nito at naamoy niya ang pabango nito.
Dahan-dahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata at tumingala siya upang makita ang mukha ng lalaking nasubsuban ng kaniyang mukha. Gusto niya lang kumpirmahin kung ang boss niya talaga ito.
"Sir Lune?!" Nanlaki ang mga mata niya nang makumpirma niyang ang boss niya nga talaga ang nasa harap niya. Parang gusto niyang lamunin siya ng elevator dahil sa kahihiyang ginawa niya rito.