Chapter 11

1118 Words
Hobby niya ba talagang mangtitig? Oo, alam kong gwapo ako, pero sana naman, 'wag naman siyang masiyadong magpapahalata. Anito sa kaniyang sarili. "Yoona?" tawag ng binata sa dalaga. This is his first time na tawagin sa pangalan ang kaniyang sekretarya. "Why po, Sir?" tanong sa kaniya nito nang bigla itong sumulpot sa harapan niya. "Don't you ever stare at me like that," sambit niya rito. Nang tiningala niya dahil nakaupo siya ay pulang-pula ang pisngi nito dahil sa sinabi niya. Bigla rin itong napahawak sa magkabilang pisngi nito. "Naku, Sir. Kayo po tititigan ko? Tss. No way! Baka nahawi ka lang po ng mata ko. Kaya 'wag po kayong ma-assume kasi you're not my type," bulalas nito sa kaniya. He smirks at her. "My two eyes caught you in the act, tapos tatanggi ka pa. Pero okay lang naman, hindi naman kasi nakapagtatakang may natutulala sa kagwapuhan ko," pakli niya rito. Dali-daling bumalik sa table ang dalaga. Ang kapal ng pagmumukha ng lalaking ito! Hindi lang siya cold-hearted, kung hindi arogante pa! Kaya siguro, walang babaeng nagkakagusto sa kaniya dahil sa ugali niya. She rolled her eyes at huminga siya ng malalim. Tinupok niya ito ng tingin at nang magtama ang kanilang mga mata ay sinamaan niya ito ng tingin at inirapan niya ito. Wala siyang pakialam kung boss niya pa ito. "GUYS, she's Yoona Vergara. Secretary siya ni Sir Lune Bleue," pakilala sa kaniya ni Rose sa mga empleyado ring kasama nito. Si Rose ay isang receptionist, kaya doon siya nakaupo sa may harap ng dalawang opisina sa twenty-fifth floor. "Welcome to Laurent's Family!" sigaw ng mga empleyado at nagpalakpakan ang mga ito. Lumipat na ang mga ito sa isa pang opisina sa twenty-fifth floor. "Secretary ka ni Sir Lune?" manghang takot na mukha ng isang empleyado na si Kylie na isang accountant ng company. "Kumusta naman si Sir? Naku, sana makayanan mo ang kasupladuhan niya. Alam mo, nang unang pumasok 'yan sa tenth floor, nagsermon kaagad tapos pinalipat kami rito kaya ni-renovate kaagad ang opisinang ito," kuwento ni Loida. Isa itong bookkeeper ng Laurent Corp. "Uy, tama na 'yan kasi baka bumalik na si Sir Lune Bleue," saway ng Senior Manager na si Alfonso. Siya ang pinakamatanda sa lahat ng empleyado kaya alam na alam niya ang tungkol sa company na pinagtatrabahuhan niya. "Ang kill joy mo talaga, Sir," sambit ng isa pang empleyado na si Hyacinth, na isa namang administrative assistant. Pito silang empleyadong lumipat sa twenty-fifth floor. Masayang-masaya silang nagtrabaho, ngunit nagulo iyon nang dumating si Lune Bleue na anak ng CEO, dahil mas mahigpit pa ito sa ama nito. Lagi sila nitong binibisita sa opisina. Kaya nang marinig ni Yoona ang mga kuwento-kuwento tungkol sa kaniyang boss ay hindi na siya nagtaka dahil kahit sa kaniya ay napakasungit talaga nito ng sobra. Ilang beses pa siyang binulyawan dahil sa pagkakamali niya. "Sige, mamaya na lang tayo mag-usap-usap. Pupunta na ako ng opisina kasi baka biglang dumating si Sir," paalam niya sa mga ito at iniwanan niya ng matamis na ngiti. Sobrang saya niya dahil kahit papaano ay hindi na siya mag-isa pa. Pagpasok niya ng opisina ay naroon na ang kaniyang boss. "Good Morning, Sir!" bati niya rito. Wala man lang itong sagot at hindi man lang siya nito nilingon. Dali-daling siyang umupo upang simulan ang trabaho, ngunit tumayo muli siya upang tanungin ito kung gusto magkape. Bilang sekretarya ay parang daily routine niya na rin itong pagtimplahan ng kape. "Sir? Gusto mo pong magkape?" tanong niya rito. Bigla naman itong napatingin sa kaniya. "Why are you late?" tanong nito sa kaniya. "Hmm. Actually, kanina pa po ako dumating, kaya lang galing ako riyan sa kabilang office dahil pinakilala rin po ako ni Rose sa ibang empleyado," paliwanag niya rito. Huminga lang ito ng malalim at hindi na nagsalita. "Sir, 'yung coffee?" muling tanong niya rito. "Sige," sambit nito. Pumunta siya ng pantry upang ipagtimpla ng kape ang kaniyang boss. "Hi," bati sa kaniya ni Loida. "Hi," pakli niya at nginitian niya ito. "Ipagtitimpla ko lang si Sir ng kape," dagdag niya pa. "Balita ko, hindi raw 'yan nag-aalmusal bago pumunta rito," pabulong na sambit nito sa kaniya. "Gano'n? Pa'no mo naman nalaman?" takang tanong niya rito. "Maid kasi ang pinsan ko sa mansion nila. Kapag umuuwi raw 'yan doon. Iniiwasan daw niyan na makasabay sa almusal ang mga magulang kaya maagang 'yang umaalis sa mansion," kuwento nito. "Bakit naman?" muling tanong niya rito. "Sa pagkakaalam ko, wala raw kasing ibang bukambibig ang mga magulang ni Sir, kung hindi tungkol sa company ay tungkol sa namatay na anak na lalaki," kuwento pa nito. "Ay, kawawa naman pala siya. Ano ba ang ikinamatay ng kapatid niya? At nasaan pala ang CEO ng kompanyang ito?" tanong niya. "Oo nga, eh. Hindi ko alam kung ano ang ikinamatay. 'Yong Daddy niya pumupunta 'yon rito pero bihira lang dahil may opisina iyon sa bahay nila. Dati, nang wala pa ang anak niya rito na si Sir Lune, nag-i-stay iyon rito sa company pero ngayon, ipinagkatiwala niya na lahat kay Sir Lune Bleue. Successor kasi 'yan si Sir ng kompanyang ito kaya kailangan talagang masanay na siya sa lahat ng ginagawa rito," kuwento pa nito. "Gano'n ba? Grabe naman pala," ang tanging nasambit niya. "Ipagtimpla mo na at gawan mo na rin ng makakain. May pancake riyan o kaya gawan mo ng sandwich kasi kawawa naman," sabi sa kaniya. "Ah, sige. Kawawa naman pala talaga siya," singhap niya. "Sige, alis na ako," paalam ni Loida. Sinunod niya ang pakli sa kaniya ni Loida. Ipinagtimpla niya ito ng kape plus ginawan niya ito ng sandwich. "Sir, here's your coffee at ginawan na rin kita ng sandwich," sambit niya rito. Inilapag niya ang mga ito sa table ng boss niya. "Bakit..." Magsasalita pa sana ito pero hindi natuloy dahil biglang nagsalita ang dalaga. "'Wag ka na pong kokontra, Sir. Nagmagandang loob na nga po akong gawan ka ng sandwich, kasi kitang-kita naman na hindi ka pa nag-aalmusal," pakli niya rito. Hindi na lang umimik ang binata. Nang makita niyang nakabalik na sa table ang dalaga ay tinikman niya ang sandwich na ginawa nito. Masarap iyon kaya nagustuhan niya talaga hanggang sa naubos niya. First time niyang mag-almusal simula nang umuwi siya sa Pilipinas. Kapag nasa mansion siya ay maaga siyang umaalis dahil ayaw niyang makasabay siya sa almusal ng kaniyang mga magulang. Naririndi na siya sa mga pinagkukuwentuhan ng kanyang Daddy at Mommy. Wala na itong ibang sinasabi kung hindi ang nakaraan na kailanman ay hindi na maibabalik pa. Hindi kasi matanggap-tanggap ng kaniyang ama't ina ang pagkamatay ng kaniyang kapatid na lalaki na si Prince Rain. Kaya minsan, mas gugustuhin niya pang mag-stay sa kaniyang condo kaysa sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD