Napakamot ng ulo si Kerry nang marinig ang malakas na ingay ng alarm clock. Nagpapahiwatig na alas singko na ng umaga.
"Maring, pwede five minutes more?" ungol niya nang tapikin siya ng babae.
"Five minutes o si Nang Lita ang gigising sa iyo?" natatawang tugon nito bago siya iniwan.
Napaungol siya. Halos hindi niya maimulat ang mga mata at gusto pang mamaluktot sa kama ngunit pinilit niyang bumangon. Lita in the morning, is a no-no to every fiber of her being. Ayaw niyang masangag ng umagang-umaga.
Antok na antok pa siya dahil inabot na ng madaling araw ang kwentuhan nila ni Marie. Nang ipakilala siya kahapon rito ni Manang Lita, ay para silang long lost best-friend na muling nagkita, nag-click agad sila sa isa't-isa. Kumbaga sa magka-love team, may chemistry sila.
Sa lahat ng kasama niya sa bahay na kapwa alipin-este kasambahay, ito lang ang kaedad niya. All around ang trabaho ni Marie, katulad ng sa kanya- paglalaba, paglilinis ng bahay, gardening, paglilinis ng pool, pamamalamtsa at minsan nauutusan rin daw itong mag-grocery. Sa kusina naman nakatuka si Ate Tess, at ang asawa nitong si Kuya Mike naman ang driver ng pamilya. Si Manang Lita- short for Violita naman ay ang mayordoma sa mansion ng mga Santibañez- ito kasi ang pinakamatagal ng naninilbihan doon, in short ito rin ang pinaka-mashonda sa kanilang lahat. Matandang dalaga pa, kaya may pagka-bitter sa mundo, lalo na sa magagandang katulad niya.
Matapos mag-agahan ay agad nilang sinimulan ni Marie ang paglilinis ng bahay, na kung siya ang tatanungin ay hindi pa kailangan dahil wala siyang makitang dumi sa buong kabahayan, pero dahil kailangan at trabaho nila ay todo effort siya sa paghahanap ng naliligaw na alikabok sa gilid-gilid.
Nang maghakot ng labahan si Marie ay pumunta siya sa garden para magdilig ng halaman. Patapos na si Kerry nang makita niyang papalapit si Manang Lita sa kanya.
Simula kanina ay ngayon lang niya ito nakita. Ang sabi ni Marie ay bandang alas sais y'medya na ito kung magising, privilege daw nito iyon bilang "reina mayordoma".
Taray, may privilege eklabo ang lola mo! sa isip-isip niya.
At dahil ayaw niyang ma-bad shot rito ay ubod ng laki ang ngiti niya itong binati ng "good morning!" na sinagot naman nito ng isang not-so-friendly na "magandang umaga!"
Maybe, she woke up at the wrong side of the bed today! Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon.
"Tapos kana ba rito?" ani Nang Lita, seryoso pa din.
"Patapos na po. Iyong mga rose nalang po doon ang hindi pa!" sagot niya bago inginuso ang area kung saan nakatanim ang mga halamang binanggit.
"Sige! Pagkatapos mo riyan, pumunta ka ng library. Hinihintay ka nina Senyora roon. Dalian mo na diyan!"
Bago pa makapagtanong si Kerry kung bakit siya ipinapatawag ay nakatalikod na si Manang Lita at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Agad niyang tinapos ang diligin at dumiritso nang library.
KINAKABAHAN NA kumatok si Kerry ng tatlong beses. Kung gugustuhin ay ayaw na sana niyang makaharap ang ilaw ng tahanan ng mga Santibañez. The woman don't know how to smile. Ito na ata ang pinaka sa lahat ng pinaka-masungit na nakilala niya sa buong twenty four years of existance niya sa earth.
Huminga muna siya ng tatlong malalalim bago pinihit ang seradora. Ang unang nabungaran niya pagkapasok ay ang isang cute na batang babae na edad isa o higit pa siguro, naglalaro sa malawak na area ng library habang nakasalpak sa pink walker nito.
"Mabuti't narito kana!"
Agad na napalingon si Kerry sa nagsalita-si Senyora Salve. Nakaupo sa sofa na nasa kaliwang panig ng library, ngunit hindi ito nag-iisa. May katabi itong magandang babae na sa tingin niya ay matanda lang sa kanya ng isa o dalawang taon.
The elegant woman, wearing a simple sleeveless yellow chiffon dress that made her skin more fair in the room's lighting, smiling warmly at her. She return the smile at her before looking back to Senyora Salve.
"Good morning po! Ipinapatawag niyo raw po ako Ma'am?" she ask politely even though at the back of her mind, Kerry wanted to grimaced because the woman really don't know how to smile.
Kaya siguro wala pa rin siyang wrinkles!, naisip niya. Makinis pa rin kasi ang mukha ng ginang sa kabila ng edad nito. Or maybe gawa ng siyensiya, walang nang impossible ngayon e! She agreed to herself.
"Gusto kong malaman kong marunong kang mag-alaga nang bata!"
Tumango siya. "Marunong naman po. Wag lang po iyong baby pa kasi takot po akong hawakan dahil masyado po silang malambot!" paliwanag niya.
Madalas siyang mag-alaga ng bata noong high-school siya. Kapag kasi walang pasok sa eskwelahan ay sumasama siya sa bukid. May mga nanay noon na nagdadala nang mga anak nila lalo na kapag walang magbabantay sa mga bata sa bahay ng mga ito. Madalas na sa kanya naiiwan ang mga iyon sa kubo sa gitna ng bukid habang abala sa pagtatanim o pag-aani ang nanay ng bata.
Pero ang real experience niya sa pag-aalaga ng bata ay noong college days niya. Dalawa pa ang kanilang maid ng mga panahong iyon. Si Mimi- anak ni Aling Nadia at ang isa ay malayong kamag-anak ng huli.
Isang taon pagkatapos manganak ay muling bumalik sa trabaho si Mimi. At lagi nitong isinasama ang bata sa bahay. Walang problema sa kanila kung isama man nito ang anak, basta magagawa nito ang trabaho. At dahil mabait ang baby, lagi ay nasa crib lang ito, naglalaro o di kaya ay natutulog.
Natutuwa si Kerry sa bata noon kaya kinukuntyaba niya si Mimi na babantayan niya ang anak nito kapalit ng trabahong iniatang sa kanya ng mahal na ina. And Mimi accepted the deal. Kaya may alam siya sa pag-aalaga ng bata kahit papa-ano. Three years after noon, tumigil na sa pagtatrabaho sa kanila si Mimi dahil nag-asawa na ito at naging masilan ang pagbubuntis sa ikalawang anak.
"Bueno, gusto kong sabihin sa iyo, na mula sa araw na ito, ikaw muna ang mag-aalaga kay Shacey habang wala itong si Sharmaine.
Napilitan na tumango si Kerry kahit gusto niyang mag-apila sana. Kasambahay turn into Yaya ang peg niya,means only one thing. Limitado na ang tsismisan time nila ni Marie.
"MARING!" malakas na sigaw ni Kerry nang muling humilab ang kanyang tiyan. Hindi na talaga niya kaya. Kanina pa siyang nagpipigil na pumunta ng CR at ngayon nga ay mukhang matutuloy sa LBM ang sakit ng tiyan niya na hindi pwedeng mangyari.
Tiningnan niya si Shacey habang hawak ang tiyan ng kanang kamay at sa kaliwa naman ay ang stuff toy na si Barney. Kanina pa siya nagsu-song and dance number rito dahil iyon ang trip ng bata. Kapag tumitigil siya, parang baboy na pinuputol ang litid nito kung umiyak at ngayon nga ay hayun, patuloy pa ring tumatawa ang paslit habang nakatingin sa kanya.
Feeling ata ng bubwit ay patuloy pa rin siya sa pagbibigay ng libreng show rito dahil umupo na siya sa lapag. Malaki ang pagpapasalamat niya sa malamig na marmol dahil napipigil nito ang dapat pigilin para hindi lumabas.
"Marie, kung may awa ka pa sa akin, pumunta ka rito sa sala, ngayundin!"
Muli niyang sigaw ng mas matagal na humilab ang tiyan. Pinagpapawisan na rin siya. Mabuti na lang at walang tao sa bahay maliban sa kanya, ang alaga, si Marie at si Ate Tess na abala sa kusina para sa pananghalian nila.
Umalis si Manang Violita kanina kasama si Kuya Mike. Inutusan ng amo. Si Sharmaine at si Senyora ay pupunta raw ng spa at hinatid ni Sir Calec-na hindi pa niya nakikilala sa personal pero nakita na niya sa mga pictures na nakalagay sa bedside table sa kuwarto nito nang maglinis siya kanina at isa lang ang masasabi niya- gwaping ang kuya niyo, pang-boyfriend material, pak na pak.
Bumungad si Marie sa sala na salubong ang mga kilay pero dagli ring nangunot nang makita ang ayos niya.
"Anyari sa'yo te?" Natatawang tanong ni Marie habang nakatanghod kay Kerry na mukhang bruha habang nakaupo sa sahig. Gulo-gulo kasi ang buhok at may mga butil-butil na pawis sa mukha.
"Busy ka ba?" nakangiwing tanong ni Kerry, kanda-pilipit habang naka-upo sa sahig.
"Natural, naglalaba kaya ako sa likod, kung maka-atungal ka naman kasi!"
"Sareh na! Bantayan mo muna itong paslit, CR lang ako sandali."
"Asus, ba-banyo ka lang pala para kang kalabaw na nanganganak kung makasigaw!" natatawang sabi ni Marie.
"Masakit na tiyan ko e. Kanina pa! Wala lang magbabantay diyan sa paslit na makulit kaya nagtiis muna ako. Pero ateng, palabas na siya, mga sampung hinga na lang!"
Humalakhak si Marie. "Oh siya, ako munang magbabantay rito, gumora kana?"
Nang marinig ang sinabi nito ay maliksi siyang tumayo at iniitsa ang hawak na stuff toy kay Marie na mabilis nitong nasalo.
"I love you na talaga Maring. Sinasabi ko nga bang ikaw ang guardian angel kong nagkatawang tao e. Hulog ka ng langit sa'kin. Kaya heto ang great big hug ko, tanggapin mo!" ibinuka niya ang mga bisig at akmang yayakapin si Marie nang kapwa sila matigilan.
Nalukot ang mukha ni Marie at mabilis na lumayo sa kanya. " Ano ba naman yan Kerry, gaano katagal mong kinimkim yan!"
"Mga tatlong oras lang naman. No more, no less", nakangisi niyang sagot.
"Ang baho!" pumaypay sa hangin si Marie bago tinakpan ang ilong. "Utot lang ba yan o may palaman na!"
"Ay grabi siya maka-judge oh! Saan ka naka-amoy ng utot na mabango ateng? Utot mo nga mabaho rin eh." napahagalpak siya ng tawa nang sumama ang tingin ni Marie sa kanya.
"Hindi pa ako umutot sa harap mo kahit kailan."
"Hindi nga. Pero sure akong noong nakatalikod ka, nagawa mo na!" malaki ang ngisi ni Kerry.
Tumaas ang kilay ni Marie, ang mga mata ay nanghahamon. "Kailan aber?"
Humalukipkip siya bago mas malaki ang ngising sumagot rito. "Kahapon ng hapon habang nasa garden ka at nagdidilig ng halaman. Ang lakas nga eh!" hindi napigilan ni Kerry ang humagikhik habang nakatingin sa sindak na mukha ni Marie.
Aksidente lang niya iyong nakita't narinig kahapon. Magtatanong lang sana siya kung anong susunod niyang gagawin nang hindi sinasadyang maka-witness siya ng "private moment" ni Marie.
"Aalis ka o ako ang aalis !" nakabusangot nang banta nito sa kanya, halatang anumang sandali ay magwo-walk out na sa inis.
"Sus, 'to naman. Nagtampo na agad. Wag kang mag-alala. Normal ang utot, nangangahulugan lang na normal ka ring tao. Gaya ng pag-tae o di kaya ay pag-wewe, mga normal na gawain natin yon sa araw-araw, hindi dapat ikahiya!"
"Bunganga mo nga! Magkaroon ka naman nang kaunting finesse sa katawan mo. Kaganda-ganda mong tao, bunganga mo walang preno!"
"Wow taray. Finesse daw. Ito ba yong sinasabi mo kapag tapos kana sa trabaho mo, "finesse na!"
"Che! Layas na harap ko! Naaalibadbaran ako sa mga sinasabi mo!" taboy sa kanya ni Marie.
Nakangising tumalikod siya bago naglakad papunta sa bathroom na laan para sa kanilang mga kasambahay. Hindi pa siya nakakalayo nang tumigil siya at malakas na nagsalita. " Yesss! Makakatae na me, sa wakas after three hours! " Itinaas pa niya ang dalawang mga kamay bago humalakhak ng malakas. She just wanted to teased her more.
"Tumahimik ka nga! Marinig ka ng mga amo natin, sige ka! Masesesanti ka ora-orada dahil diyan sa bunganga mo!" mabilis na sinuway agad siya nito. Just like she thought!
"Walang mga amo ateng! Lahat umeskapo. Tayo lang ang naiwan sa mansyong ito kaya walang sesesanti sa akin."
Panatag siyang ngumawa ng mga oras na iyon dahil tatlo lang sila sa bahay. At sa laki niyon halos hindi rin naman sila magkarinigan kung hindi talaga pupuntahan ang mismong taong pakay o ang sumigaw ng makaputol hininga't litid katulad ng ginawa niya kanina.
"Akala ko ba magbabanyo ka? Bakit narito ka pa rin? Marami na sana akong nakusot kung hindi dahil sa iyo!"
"Ang sama mo talaga sa akin!" kunwari ay nagtatampong sabi niya. Pinatulis pa ang nguso. Tanging isang matalim na tingin lang ang naging tugon nito sa kanya.
" Heto na! Heto na nga!" taas-kamay na umatras siya. "Wait mo lang ako d'yan!" tumalikod na siya kaya lang ay may maalala. "Maring, naalala ko bigla, matagal ako tumae ha!" sabi niya bago kumuripas ng takbo papuntang banyo.
Iiling-iling na nilapitan ni Marie ang bata pero natulala siya nang mapatingin sa pinto. Pakiramdam niya ay para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig na makita kung sino ang nasa pinto.
Napangiti siya ng alanganin ng makita ang seryosong mukha ng amo. "S-sir...Kararating niyo lang po ba?"
"Kanina pa ako nandito!" tugon nito na hindi kababakasan ng tuwa ang tinig.
Patay kang Kerry ka!