I need money!
"Taga saan ka nga ulit?" tanong kay Kerry ng babaeng nasa harap ng mesa. Kasalukuyan siyang ini-interview para sa papasukang trabaho.
"Taga Mindoro po ma'am", malawak ang ngiting sagot niya rito.
"Bakit mo gustong mamasukan rito sa Manila?" Tanong ulit nito matapos magsulat sa papel na hawak. Bio-data iyon na sinagutan niya kanina pagpasok sa agency.
Pinalumbay niya ang mukha at suminghot-singhot pa. "Kailangan ko po kasi ng trabaho ma'am. Ako nalang po kasi ang inaasahan ng pamilya ko. Mahirap lang po kami. Matanda na po ang Lolo at Lola ko kaya hindi na pwedeng magtrabaho ng mabigat. Ako na lang po ang inaasahan nila. May sakit po ang pamangkin ko ngayon. Anak po ng ate ko kaya lang, namatay po sa panganganak kaya kami na nina nanang at tatang ang nag-aruga at nagpalaki. Kaya po kahit alam kong impossibling makahanap agad ng trabaho rito sa Manila, lumuwas at nagbakasakali pa rin po ako. Kailangang-kailangan lang po kasi ng pera ma'am.", malungkot ang mukhang tumunghay siya sa interviewer.
Inang ko po. Sorry Lord! Nawa'y hindi ako matamaan ng kidlat." piping dasal niya. Sa isip ay ilang beses siyang nag-sign of the cross. "Promise Lord, magsisimba ako sa linggo!"
"Okey! Anong alam mong trabaho? Marunong ka bang sa gawaing bahay?"
"Ay, opo na opo, ma'am!" sagot agad niya. "katunayan po niyan, marunong din po akong magluto dahil nagtrabaho po ako sa isang karinderya sa bayan namin, assistant cook po ako doon at mag-bake ng tinapay, natutunan ko po ng minsang magtrabaho ako sa bakery."
Gusto niyang humalakhak sa pinagsasabi niya. Assistant siya ng butihing ina sa kusina nila kapag magluluto o kaya naman ay si Aling Nadia na talagang cook nila sa bahay. Simula nang magdalaga siya ay sapilitan siyang hinihila noon ng ina para matutong magluto. Buti nalang pala. Salamat sa kanyang mahal na ina. Hindi niya aakalain na magagamit niya ngayon ang kanyang mga natutunan noon.
Kung sa paglilinis naman ng bahay ay Hindi rin problema sa kanya. Bata palang ay tinuruan na sila ng Kuya Dan-Dan niya ng mga gawaing bahay. Iyon ang daw ang turo ng kanilang kanunu-nunuan, ang huwag iasa sa ibnag tao ang kaya naman nilang gawin.
Kaya nga bukod sa cook nilang si Aling Nadia, mayroon silang isang driver, at isang all around kasambahay, siya ang pangatlong alipin,pang-apat ang Kuya niya na hindi rin nakaligtas sa ancient rules ng kanilang ina kahit na nga ba may trabaho sa farm-ito ang tagasibak ng kahoy nilang panggatong- na kung tutuusin ay hindi na kailangan dahil kompleto sila sa modern kitchen appliances maliban nalang kung trip ng kanyang ina na magluto sa dirty kitchen nila.
"Kahit saan niyo ako ilagay, sa kusina, sa paglalaba, sa paglilinis ng bahay, kaya ko po la-" napatigil siya sa pagsasalita ng mag-ingay ang cellphone ng babae na nasa ibabaw ng mesa.
"Sandali lang, sasagutin ko lang itong tawag."
Tumango siya at iginala ang paningin sa may kaliitan pero maaliwalas na silid ng agency na iyon. May apat na mesa roon na katulad ng nasa harap niya. Dalawa doon ay may kasalukuyang ini-interview. Isang babaeng sa tingin niya ay edad labimwalo hanggang dalampu at isang middle age woman.
Tiningnan niya ang bio-data na nasa ibabaw ng mesa. Hindi niya akalain ng uso pa pala ang bio-data sa mga panahong ito. Akala niya ay resume na rin ang ginagamit ng mga ganitong ahensiya.
Well, ano ba kasing alam niya. First time naman niyang mag-aaply bilang kasambahay sa buong buhay niya. Ang dahilan, out of boredom at nagpapalipas ng oras.
It's true that she's came from Mindoro pero hindi talaga siya mahirap gaya ng sabi niya sa babae kanina. May maliit na farm ang pamilya nila sa roon. Hinati ang lupaing iyon para pagtamnan ng palay at ang natitira ay pastulan ng mga baka, kalabaw at kambing. Nitong mga nakaraang taon ay nagsimula na ring mag-alaga ng baboy at manok ang Kuya Dan-Dan niya na kasalukuyang humahawak sa business ng pamilya. Paminsan-minsan ay tumutulong pa rin ang kanilang ama sa sakahan.
Ang Lolo at Lola niya ay totoong matanda na. Ang Lolo niya ay edad walumpu"t siyam, "malakas pa sa kalabaw", ika nga nito lagi kapag sinusuway nila dahil madalas ay sumasama pa sa pastulan ng mga baka para "mag-unwind"-ang termino ng Lolo niya kapag nababagot sa loob ng bahay. Ang Lola naman niya ay edad pitumpu"t lima, dahil mahilig sa halaman at bulaklak nagpatayo ang Lolo niya ang isang katamtamang laki green house sa likod ng bahay nila at iyon naman ang pinagkakaabalahan ng kanyang lola.
Tapos siya ng kursong business management, dahil dalawa silang mamamahala ng kapatid niya sa kanilang munting farm. Pero nang makapagtapos siya two years ago, ay naging palamunin na siya ng pamilya. Nang tanungin siya ng kanyang pinakamamahal na pamilya kung bakit ayaw pa niyang tumulong sa kapatid ay simple lang ang sagot niya.
"Inaantay ko pa ang calling ni inang kalikasan sa akin, dear family. Wait lang kayo, pasasaan ba't makikibaka na rin ako sa pagpastol ng ating mga baka at kambing. Makikipagtampisaw na rin ako sa putik sa ating sakahang palayan, but as of now, maglalammeyerda muna ang inyong prinsesa!"
At dahil likas na maunawain at mahal na mahal siya ng kanyang pamilya, hinayaan siya. At dahil nga bored na siya sa farm ay nagpaalam ulit siya sa butihing mga magulang na pupunta ng manila para "hanapin ang sarili" niya.
Kahit nangunot ang noo ng kanyang Mahal na kuya ay wala na itong nagawa kung hindi payagan siyang lumuwas.
Nang makapag pahinga siya ng dalawang araw sa kanyang munting mansion sa Quezon City ay dito nga siya sa agency na ito napadpad.
TAHIMIK LANG NA nagmamasid sa dinaraanan ng sasakyan si
Kerry habang nakasakay sa passenger seat ng minamanehong sasakyan ni Ma'am Lilith, ang babaeng kausap niya kanina.
Matapos makipag-usap sa tumawag rito ay binalikan siya ng babae. Kinausap na kung maibibigay niya ang mga hinihingi nitong dokumento ay maari na siyang magsimula ng trabaho.
But of course, Kerry is prepared. Hindi niya alam kung dahil sa pagiging girl scout niya natuwa ang babae, dahil sa unang pagkakataon simula ng tumapak siya kanina sa agency na iyon ay ngumiti ito.
Matapos ma-process ang mga papers niya ay nagpaliwanag na ito tungkol sa mga benefits at sweldo na tinanguan lang niya ng tinanguan dahil sa totoo lang ay hindi naman ganoon ka-importante sa kanya dahil may pera siya pero nagkunwari na interesado na lang siya.
Siguro dahil hindi siya nagreklamo sa laki ng kaltas ng mga ito sa sweldo niya ay inakala ng mga itong kailangang-kailangan talaga niya ng trabaho, kaya pagkatapos ng kaunting briefing sa mga dapat gawin at sa magiging amo niya ay lumarga na sila.
Nang tanungin nito kung nasaan ang ibang gamit niya ay sinabi na lang niyang ang dalang backpack lang ang dala galing probinsiya. Sinadya niyang magdala ng kaunting damit ng araw na iyon para sa kanyang props. Babalikan niya sa bahay ang iba sa day-off niya sa susunod na linggo.
"Mababait ang Santibañez. Lahat ng kasambahay nila ay sa amin galing. Pinakamatagal na naninilbihan sa kanila si Violita. Tatlumpong taon na siya roon. At wala naman akong naririnig na reklamo sa kanya kaya siguradong hindi ka mahihirapan." basag nito sa katahimikan.
Nginitian lang niya ang babae. Ewan ba niya at bigla siyang kinabahan sa gagawin niyang ito. Surely, hindi dahil nag-iisip siyang baka matapang ang magiging amo. Hayun nga at sinabi ni Ma'am Lileth na buhay na patunay ang Violita na iyon na mabait nga ang magiging mga amo niya.
Ilang sandali pa ay papasok na sila sa isang sikat na subdivision sa Quezon City. Nanlaki ang mata niya nang makitang ito rin ang subvidision ng kaibigan niyang si Elaija. Elaija is her college guy best-friend. Ilang beses na siyang nakarating rito dahil dito nakatira ang matinee idol noon na crush niya.
Madalas na "pumarada" ang beauty niya noon sa mini park, basketball ground o di kaya ay sa gym ng subdivision para lang makita ang artistang iyon. Matapos ang tatlong buwan ay nawalan siya ng gana dahil nakita niyang ubod ng palikero ang lalaki. Lahat ata ng mga babae sa park na kasabayan nila sa pagjo-jogging noon ay fli-nirt nito. Nang siya naman ang sinubukan nitong "ligawan" ay agad niya itong binasted on the spot dahil sa inis niya. Mabuti na lang at wala si Elaija sa bansa ngayon kaya masasabi niyang safe naman ang sekreto niya.
Maya-maya pa ay pumarada ang sasakyan sa isang malaki at marangyang bahay. Ang una niyang napansin ay ang magagandang halaman na hitik sa bulaklak sa tabi ng bakod. At dahil hanggang dibdib lang ang bakod na gawa pa sa flat bar ay kita niya ang front lawn na nalalatagan ng bermuda grass na halatang alaga sa tabas at dilig.
Nakita ni Kerry ang isang kasambahay na lumabas ng bahay at pinagbuksan sila't inihatid sa sala.
Habang nakaupo ay pasimpleng inilibot ni Kerry ang paningin. Kumpara sa bahay nila, mas malaki ito ng tatlong beses. The house was painted in white and moss green. Malamig iyon sa mata and very homey ang feeling. Halatang bago at mamahalin ang mga gamit sa buong paligid at kumikinang sa kinis, kabaligtaran sa bahay nila sa Mindoro.
Mahilig mangolekta ang Lolo at Papa niya ng mga antique kaya simula sofa hanggang muwebles pati grandfather clock nila ay kapanahunan pa ng great great-grandfather niya na minana ni Lolo Ben ay naroon nakadisplay sa sala nila. Ang modern lang sa bahay nila ay ang kusina at mga kuwarto. Pero may mga kasangkapan pa rin na antique roon katulad ng kitchen counter at ilang sandok na nakadisplay nalang sa isang bahagi ng kusina. Nonetheless, she still love their house.
Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba ang isang babaeng hindi nalalayo sa edad ng nanay niya. Ito siguro si Mrs. Santebañez. Nang tumayo si Ma'am Lilith, ay napagaya siya. Hindi niya alam kong paano iaa-aproach ang ginang dahil mukhang estrikta ito.
Nang hagudin siya ng tingin mula ulo hanggang paa ay lalo siyang na-tense. Kaya isang kinakabahang ngiti ang naibigay niya nang magtama ang tingin nila.
"Inang ko po, ano ba itong napasukan ko?"