“Vanya!” Hindi ko na kaya ang sakit na ibinibigay ng aking mga nakikita. Sigurado na ako ngayon na ako ang may-ari ng memoryang ito. Nakikita ko na naman ang aking sarili ngunit Elena ang tawag nila sa akin. Hindi ko magawang tignan si Thana at sabihin na ayos lang ako dahil hindi iyon totoo. Malamang ay sobrang nag-aalala na sa akin ang babae. “Elena?” Matapos malaman ni Dave Cruz na wala sa truck ang driver ay nagpasya na din ito na iwan ako. Kasama niya ang babaeng kahalikan sa loob ng bar. Gusto kong humingi ng tulong pero alam kong hindi nila ako maririnig. Maging ako ay hindi na marinig ang sariling boses kaya malabong may makarinig sa aking dalangin. Hindi ko gustong mamatay sa ganitong paraan. Marami pa akong nais gawin sa aking buhay. Kailangan kong makausap si Dave kung b

